Balita

‘Aurora’, horror film na walang sigawan

- Ni REGGEE BONOAN

NGAYON lang kami nakapanood ng suspense/horror film na walang sigawan at mararamdam­anmolangan­gtakotsapa­mamagitan ng kakaibang sound effects sa pelikulang Aurora ni Anne Curtis Smith-Heussaff.

Sa ginanap na premiere night ng Aurora sa SM Megamall Cinema 1 nitong Miyerkules nang gabi, ay hindi ang mga artista sa pelikula ang narinig naming sumisigaw kundi ang mga nanonood na nasa orchestra section dahil maraming gulatan scenes.

Naalala namin ‘yung kuwento sa amin ni Direk Yam Laranas nang masolo namin siya ng interview pagkatapos ng presscon ng All Souls

Night ni Andi Eigenmann, na very subtle ang pelikulang Aurora na pati si Anne ay nagtatanon­g kung kailan siya sisigaw at sinabi nga niya na, ‘wala, hindi kailangan.’

Ipinagmama­laki rin ng direktor na kakaiba ang sound effects niya dahil gusto niyang maiba, “I’m into classic pa rin gusto ko ‘yung tone ng Scandinavi­an, ng Sweden, or Norway.”

Kaya pala kakaiba ang musical scoring at ito ang hinangaan ng lahat ng dumalo sa premiere night.

Kung tutuusin, hindi na naman bago ang kuwento ng lumubog na barko at maraming namatay at inamin din ni direk Yam na inspired ito sa tunay na pangyayari.

Pero klinaro ng direktor na wala siyang political intension dahil baka may mag-react kasi nga maraming tatamaan.

“We don’t want to bring any political or any social issues, these are all inspired by those events happened before. Marami kasi ‘yun, ang point ko lang as a director is that there is a big possibilit­y that may happen again pero hindi ‘yun ang kuwento namin.

“Ang kuwento namin was the real sufferings of these people in the real story that inspired us experience. This is like a fusion, a sort of mix of a lot of inspiratio­n na parang, yes nangyari ito, nangyari ang sakuna, maraming nangyari na for us without exploiting those stories, those real events. Ipinapakit­a namin na, ‘okay ano bang naramdaman ng mga ito na hindi alam ng ibang tao na gusto naming ikuwento?

“That’s why ‘yung movie ng ‘Aurora’, yes horror siya. Pero ang totoong horror doon, ‘yung grounded elements nito, ‘yung horror of drowning, ‘yung horror of losing a family. Literally, losing an entire barangay or people inside the ship, ‘yun ang horror doon.

“Again, that’s inspired us which doesn’t mean, exploiting it. That’s the only point there and we want to make sure that as we tell the story, isang central character lang, only Anne Curtis who made Leana (karakter ng aktres), will carry the entire story and become a strong woman,” paliwanag ni direk Yam.

Tinanong kami ni Direk Yam kung anong dating sa amin ng Aurora at sinagot namin na kapag nakakatako­t na ang mga eksena ay nagtatakip na kami ng mukha at nag-base na lang kami sa audio kung ano ang nangyayari at reaksyon ng tao.

Tulad nga ng kuwento namin, hiyawan ang mga nanonood kaya alam naming nakakatako­t na. At ito ang gustong mangyari ng Aurora direktor, “the best thing for me is nakikita at naririnig mo ‘yung audience na nagre-react. I don’t (like) to pursue na natuwa sila pero gusto ko na sumigaw, tumili at nag-enjoy sila at nag-react sila sa moments na gusto nilang ika-react.

“Meaning, we will able to communicat­e, naibigay namin ‘yung sinasabi nga ni Anne, ‘ito hindi kayo sisigaw, hindi ako sumisigaw dito, pero pina-pramis namin sa inyo, iba ang pakiramdam ko, ibang takot ang mararamdam­an ninyo, feeling ko pag-uwi nila sa bahay, maaalala ninyo ang katatakuta­n.’”

Sa Batanes ang entire shoot ng Aurora at sa simula pa lang ng pelikula ay dinala na kami sa ilalim ng dagat. Kitang-kita ang pagsasalub­ong ng tubig kaya parang ang hirap lumangoy dahil hinihila ka kung saan mang papunta. Kaya tinanong namin si direk Yam kung totoo ‘yun o CG (computer graphics).

“Totoo ‘yun! I had to learn free diving, I have a dive master who’s also our underwater photograph­er, magkasama kaming dalawa. Kung gaano kagulo ‘yung alon na nakita n’yo, ibinaba namin pa ‘yun,” mabilis na sagot ng direktor. Hindi ka natakot, “adrenaline ‘yun.”

Ito ‘yung sinasabi ni direk Yam na isang buwan bago simulan ang shooting ng Aurora ay inaral niya ang tubig sa Batanes at talagang nag-dive siya sa pinakamala­lim na kaya niyang abutin.

Nabanggit pa na Amihan nang i-shoot nila ang Aurora, “ang problema, papunta sa amin ang hangin at nag-aaway pa ang North Pacific ocean saka Western Philippine Sea.”

Makikita rin sa pelikula na sumakay ng tigisang bangkang de motor sina Allan Paule at Marco Gumabao, kung saan hinuhulaan namin kung isa sa kanila ay hindi na makababali­k nangg buhay dahil lulubog-lilitaw sila sa eksena sa lakas ng alon.

Kaya tinanong namin kung may double ang dalawang aktor.

“Tunay ‘yun, sila ‘yun. That’s the ocean. As a director, ang requiremen­t ko, one - hindi takot sa tubig or dagat; 2- marunong lumangoy. Nagkataon Allan is an expert swimmer. He has experience, if I’m not mistaken, he took up I think some Seaman ship course. Si Marco, grew up literally in the beach sa Zambales, langoy ng langoy ‘yung mama, so, it’s a great addition and blessing for the production. And si Anne, isa pa ‘yun, walang takot sa tubig,” kuwento ni direk Yam.

Sabagay, ito rin naman ang kuwento ni Marco sa nakaraang pocket interview niya na tinanong siya kaagad kung marunong siya lumangoy at kung takot siya sa dagat.

Sa kabuuan ng Aurora ay posibleng manalo si Anne sa Best Actress category sa 2018 Metro Manila Film Festival at kung Best Picture ay hindi namin masabi kaya si direk Yam ang tinanong namin kung ano ang nakikita niya.

“Well, sa akin kasi is that if there’s turn out at maraming manonood, iyon na ang best picture for me. ‘Pag maraming manood sa movie namin at tuwang-tuwa sila dahil ibang ride or na entertain sila. Sa akin, iyon ang best picture,” katwiran ni Direk Yam.

Pero kung sa technical aspect ang paguusapan, sigurado na kami, winner ang Aurora na mapapanood na sa Disyembre 25 handog ng Aliud Entertainm­ent at Viva Films.

Kasama rin sa cast sina Ruby Ruiz, Ricardo Cepeda, Mercedes Cabral, Andrea del Rosario, Sue Prado, Arnold Reyes, at Phoebe Villamor (batang kapatid ni Anne).

 ??  ?? Anne
Anne

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines