Balita

Miss Universe PH franchise, kay Chavit Singson na?

- Ni ADOR V. SALUTA Chavit

DUMATING sa bansa nitong Miyerkules ang kapapanalo lang na si 2018 Miss Universe

Catriona Gray, bandang 3:30 pm, sakay sa isang private plane kasama ang ilang Miss Universe entourage.

Napanood sa TV Patrol kinagabiha­n ang paglapag ng nasabing eroplano sa Villamor Airbase sa Pasay, kung saan mainit na sinalubong ang bagong Miss Universe.

Pero ang nakasorpre­sa sa mga manonood ay ang presence ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson, bilang isa sa mga pasahero ng plane na nanggaling pa sa Bangkok, Thailand.

May kinalaman si Singson sa Miss Universe pageant, dahil sa interview sa kanya ng Cabinet Files noong June 14, 2018, kinumpirma niyang may partnershi­p pa rin sila ng Miss Universe Organizati­on (MUO).

Si Singson ang co-producer ng MUO sa 65th edition ng Miss Universe na ginanap sa Pilipinas noong January 30, 2017.

Isa ito sa dahilan kaya hurado ang kanyang anak na si Richelle Singson-Michael sa 67th Miss Universe na ginanap sa Bangkok nitong Lunes.

Sa pagbabalik ni Singson sa Pilipinas, masasagot na ang isyu na umano’y ibinigay na sa kanya ng MUO ang franchise ng Miss Universe Philippine­s, na ilang dekada nang hawak ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ni Stella Marquez de Araneta. Nagkaroon ng mga hinalang baka may katotohana­n ang balita, dahil may mga nakapansin na hindi ang BPCI ang nag-announce ng pagbabalik ngayon ni Catriona sa Pilipinas.

Malalaman natin ang katotohana­n mula kay Singson, dahil inaasahang magbibigay siya ng pahayag tungkol sa controvers­ial issue.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines