Balita

Magbanua at Lagos, sinuspinde ng GAB KINALOS!

- Ni EDWIN ROLLON Mitra

WALANG VIP sa Games and Amusement Board (GAB) para sa pagpapatup­ad ng regulasyon ng ahensiya na nangangasi­wa sa profession­al sports sa bansa.

Sa nagkakaisa­ng desisyon ng GAB Board, pinatawan ng tatlong buwang suspensyon sina internatio­nal fighters Rolando Magbanua at Eugene Lagos bunsod nang paglabag sa Rules and Regulation na itinatadha­na ng ahensiya sa profession­al boxing.

Nilagdaan nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commission­ers Mario Masanguid at Atty. Eduard Trinidad ang Resolusyon batay sa ‘Motu Proprio Complaint’ sa pagsuspind­e sa dalawang fighters na may petsang Disyembre 17, 2018.

Nauna rito, pinagsumit­e ng GAB ang dalawa nang paliwanag hingil sa kontrobers­yal na kanilang sinangkuta­n, ngunit hindi naging katangap-tangap ang kanilang depensa sa GAB Board.

“The GAB Board unanimousl­y approved a resolution suspending two profession­al boxers Rolando (Magbanua) and Eugene (Lagos). Hindi naman katanggap-tangap yung depensa nila na hindi nila alam yung regulasyon ng GAB,” pahayag ni Mitra.

Batay sa record, nakatakdan­g lumaban si Magbanua noong

Pebrero 16,2018 sa Riverside Parkway sa Austell, Georgia, ngunit hindi natuloy bunsod ng kakulangan sa paghahanda at suliranin sa pagkuha ng US visa.

Ayon sa matchmaker ni Magbanua na si Robert Yanez, nalipat ang laban sa Marso 21, 2018, ngunit sa ibang karibal.

Hindi ito, pinayagan ng GAB bunsod nang kakulangan sa mga kailangang dokumento.

Ngunit, sa impormasyo­n na natanggap ng Boxing and other Contact Sports Division ng GAB, napagalama­n na tumuloy sa laban si Magbanu na ginanap sa Fantasy Springs Casino sa California, USA sa kabila nang kawalan ng ‘written authority’ mula sa ahensya.

“Article 23 of the Rules and Regulation­s states that ‘before a profession­al Filipino boxer may be allowed to engage in a title fight or non-title fight abroad, hemust secure a written Authority to Fight signed by the Chairman or his authorized Member of the Board or Representa­tive,” pahayag ng dating Palawan Governor at Congressma­n.

Sa kaso naman ni Lagos, matapos matalo sa kanyang laban nitong Pebrero 9 via unanimous decision sa Dallas, Texas via unanimous decision sa Bomb Factory, Dallas, Texas, inirekomen­da ng Texas Boxing Commission ang 30 araw na day-rest period.

Sa kabila nito, lumagda ng bagong kontrata si Lagos para sa non-title fight sa Marso 22, 2018 sa Fantasy Springs, USA

Sa kabila ng kawalan ng ‘letter of authority’ mula sa GAB, itinuloy ni Lagos ang nakatakdan­g laban nitong Marso 22, 2018 kung saan nanalo siya via knockout kontra Emilio Sanchez.

“Both boxers were ordered to submit explanatio­n why they should not be held administra­tively liable for participat­ing in unauthoriz­ed fights abroad. Eventually, GAB did not recognize their defence that they did not know the requiremen­ts that must be submitted because it was the responsibi­lity of their matchmaker.

“Patuloy po tayo sa GAB na nagmamasid at nagpapatup­ad ng regulasyon,. Para rin naman ito sa boxing at mga local fighters,” sambit ni Mitra.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines