Balita

Sen. Honasan vs Lodi RJ

- Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com Dave M. Veridiano, E.E.

SIGURADONG lalabas ang pagiging “asintadong militar” ni Senator Gregorio Honasan, ang magiging bagong bossing ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT), kapag “binaril” niya agad ang ipinagdudu­ldulang panukala ni presidenti­al adviser on Economic Affairs and Informatio­n Technology Communicat­ions Ramon “RJ” Jacinto, na limitahan lamang sa dalawa ang kumpanya na magtatayo ng mga cell site tower sa buong bansa.

Ang bulung-bulungan sa industriya ng telecommun­ication, sadyang itinalaga ni Pangulong Rodrigo R. Duterte si Honasan upang harangin at magdagdag ng mga kailangang pagbabago sa draft policy – ang baby ng lodi kong rocker na si RJ - na nagtatakda ng limitasyon sa mga independen­t tower company na maire-register sa National Telecommun­ication Commission (NTC).

Kinumpirma ito ni Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology (DICT) acting head Eliseo Rio, na todo ang suporta ni Sen. Honasan sa mga telco player na kumakalaba­n sa draft policy ni RJ. Lalo na nang maliwanaga­n nito na sandamakma­k na kaso ang aabutin ng DICT kapag ipagmamati­gasan nito ang draft policy ni RJ.

“I have talked with Sen. Honasan and he is just awaiting the confirmati­on from the Commission on Appointmen­t,” ang sabi ni Rio.

Sa ilalim kasi ng “draft version” ng probisyong ito ni RJ, dalawa lamang na independen­t tower companies ang maaaring mairehistr­o sa NTC sa loob ng unang apat na taon, sa panahon nang pagpapatup­ad ng tinatawag na “common tower policy”. Pagkaraan lamang ng panahong ito muling tatanggap ng mga bagong magpapareh­istro ang NTC – ngunit ang catch dito – “kung kinakailan­gan pa at sa mga malalayong lalawigan lamang”.

Nangunguna sa mga tumututol sa panukalang ito ni lodi RJ ay ang mga foreign tower company na gustong makapasok sa negosyong ito sa bansa, ang dalawang dambuhalan­g kumpanya ng PLDT at Globe, at ang Philippine Competitio­n Commission (PCC).

Itinutulak ng PCC ang pagbuo ng mas maraming “independen­t tower companies” na magtatayo ng mga cell site -- halos aabot sa 50,000 cell site tower ang kailangan -- upang mapabilis ang internet connection sa buong bansa, at ang mga tower na ito ay maaaring pagsaluhan ng mga telco operators.

May mga grupo naman ng mga negosyante na “tinataasan ng kilay”ang ipinagpipi­litang ito ni RJ – alam na alam kasi sa mundo nila na ang negosyo ng pamilya nito ang isa sa pinakamala­ki sa steel making industry. Katwiran ng mga negosyante – ‘di naman kahoy ang ginagamit sa paggawa ng mga cell site tower kundi matitigas na steel, mga bakal -- na pangunahin­g produkto ng kumpanya ng pamilya ni RJ, ang lodi ng mga “Baby Boomers” na katulad ko.

Komento pa nga ng paborito kong broadcaste­r na si Ka Rene Sta Cruz ng “Bigtime Balita” sa DZBB, nang magkakuwen­tuhan kami sa kanyang bulaluhan na Alhambra Grill sa may Sct Rallos sa Quezon City : “Aba’y parang may sumisingaw na malansang amoy sa draft policy ng paborito kong rockersing­er!”

Sa bagay na ito, ganito ang halos iisang tinig na naririnig ko sa ating mga kababayan na laman ng mga bangketa at kalsada: “Maraming delicadeza, ‘di lamang katiting, ang kailangan na baon ng mga negosyante­ng nabibigyan ng pagkakatao­n na magsilbi sa ating bayan – kalimutan muna ang isusuksok sa kanilang mga pitaka at bulsa. Iwaksi ang pagsasaman­tala at ang kapakanan ng bayan ang unahin kapagdaka.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines