Balita

‘Terror attack’ leader, timbog

- Aaron Recuenco

Napigilan ng mga awtoridad ang umano’y planong pambobomba sa General Santos City ngayong Pasko, kasunod ng pag-aresto sa umano’y leader ng grupo na magsasagaw­a ng terror attacks sa isang pagsalakay nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat na ipinaratin­g sa Camp Crame sa Quezon City, kinilala ang inaresto na si Jamio Sala, miyembro ng Ansar Khalifa Philippine­s (AKP) na panahon pa ni yumaong Mohammad Jaafar Maguid.

“He is currently closelyass­ociated with Commander Salahudin Hassan,” saad sa ulat.

“Accordingl­y, he will lead a team that will conduct bombing operation in General Santos City during the Yuletide Season,” dagdag sa ulat.

Sa ulat mula sa Intelligen­ce community, sinalakay ng mga pulis ang Sala’s lair sa Barangay Dadiangan East at naaresto ang suspek, dakong 7:30 ng gabi.

Nakuha sa suspek ang isang hand grenade.

Base sa intelligen­ce reports, si Sala, na kilala rin sa mga alyas na Jamiung at Jumjum, ay iniulat na sangkot sa Saramgani attack noong Agosto 2008 at roadside bombing sa Malapatan, Sarangani noong 2010.

Isinangkot din siya sa pambobomba sa tapat ng General Santos City Hall, na ikinasugat ng pitong katao noong 2014 at hand grenade attack sa kasagsagan ng Maasim founding anniversar­y noong 2016, na ikinamatay ng pulis at ikinasugat ng ilang sibilyan.

Hawak na ng mga awtoridad si Sala at kakasuhan kaugnay ng pagkakasam­sam ng granada sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines