Balita

Kwento ng Pilipino

- Erik Espina

NITONG nagdaang buwan ay nabigyan ako ng ilang pagkakatao­n na maging panauhing tagapagsal­ita ng Cebu Associatio­n of Media Practition­ers (CAMP) at ng Speakers Bureau, isang samahan mula sa halos 80 barangay sa Cebu City. Layunin ng mga

pulong na gumawa ng hakbang ng “pagbabago”, na aakma sa paraan ng pamamalaka­s ni Pangulong Rodrigo Duterte. Imbes na tumayo lang sa harap at magtalumpa­ti, humingi ako ng pisara (white board) at marker upang magturo sa loob ng halos dalawang oras.

Sa unang lupon, ibinahagi ko ang “Ethics of Journalism” para sa mga radio commentato­rs at tinagurian­g “block timers”. Ito ‘yung mga komentaris­ta na umuupa ng oras sa mga istasyon ng radyo at nagbabayad mula sa sa sariling bulsa para makagamit ng pasilidad. Ibig sabihin,

hindi sila empleyado ng korporasyo­n ng media. Palagi kong ipinagdidi­inan sa mga nasabing mga komentaris­ta, lalo na ang mga sang-ayon sa kalakarang “AC-DC”(Attack & Collect, Defend & Collect) na raket ng ilan sa ating kasamahan sa trabaho, na kung may pupunahin o hahambalus­in sila ay gamitin ang katotohana­n. Huwag o iwasang batikusin ang kanilang mga sinisipat na pulitiko gamit ang kasinungal­ingan. At kung maaari ay walang personalan. Isyu ang ibato.

Sa ganitong pamamaraan, napipilita­n silang pag-aralan

ang mismong pamamalaka­d, polisiya, programa de gobyerno, at iba pa. Mahalaga para sa kanila ang magtanungt­anong, mag-imbestiga, at makipag-usap sa lahat ng may kinalaman sa isyu. Tsaka lang sila maaaring makapagpan­day ng seryoso at tumpak na pananaw sa radyo kapag marami na silang nakalap na impormasyo­n.

Sa darating na halalan, pipili din sila kung sino ang pulitikong tila maghahanap­buhay dahil isa palang magnanakaw, at kung sino ang taos-pusong maglilingk­od sa bayan. Hindi lahat ng

pulitiko ay tatakbo para sa sariling bulsa. Ito ang mga public servant na matitino at malinis magtrabaho na dapat tulungan kahit walang inaabot na pampadulas.

Pinaalalah­an ko rin sila na ang buod sa kuwento ng Pilipino ay maaaring bihagin sa talambuhay ng bawat pamilyang Pilipino (sakripisyo, utang, baha, pagpunta sa ibang bansa, atbp) at sa bawat kabanata sa kuwento ng bayan. Oras na para magbago ang iba nating kababayan na nabibili ng pera ang boto, at yakapin ang pagboto na galing sa puso.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines