Balita

Panguluhan­g payo

- Erik Espina

HINDI ko makalilimu­tan ang isa sa mga kuwento ng aking ama (dating gobernador, kalihim at senador na si Rene Espina) tungkol sa estilo ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand Marcos. Bilang Presidente, batid niya na kailangan ay “matinik” at

“matalino” ang kanyang bubuuing gabinete. Sila kasi ang magiging katuwang ng Pangulo upang epektibo at ganap na mapatakbo ang sangay ng Ehekutibo.

Tuwing may isyung nakahain sa hapag ng Pangulo sa Cabinet Meetings, ang unang tinatanong ay, “Mr. President may desisyon na ba kayo sa usaping ito?”; “Bukas pa ba sa debate ito?”. Kapag ang sagot ni Marcos au “Open for debate”, hudyat ‘yon sa gabinete na magpondaha­n. Matindi daw ang palitan ng kuro-kuro ng mga ito upang makapagpan­day ng

tumpak at mainam na polisiya sa pamahalaan, bago pa maglabas ng desisyon ang Pangulo. Kung sakali naman, kung sa una pa lamang ay nakabuo na ng pananaw si Marcos, ay kumakambyo agad ang gabinete at ang pag-uusapan naman nila ay ang mga posibleng puna na maaaring bumulaga, at kung ano ang tamang sagot bilang buwelta sa banat ng mga kritiko.

Kung may mga bagay-bagay na hindi gamay ng Pangulo, halimbawa ay ‘Structural Engineerin­g’, magpapataw­ag si Marcos ng eksperto sa nasabing

usapin, at sa loob ng isa o dalawang oras ay iinterbyuh­in ito -- lalagakan ng maraming tanong ng Presidente. Kung sa computer pa, para kang “nag-download” ng mga kaalaman. Pagkatapos ng nasabing oras, para na ring eksperto si Marcos. Sa panahon ni Doy Laurel noong pangulo siya sa UNIDO (United Nationalis­t Democratic Organizati­on), isang oposisyong samahan, nagugunita ko na tuwing may mahalaga itong talumpati o palabas sa radyo o telebisyon, ay inaanyayah­an niya ang mga bigateng lider sa partido.

Halimbawa ay sina Raul Gonzales, ang tatay ko, Ambassador SP Lopez, Lito Banayo, at iba pa sa kanyang tahanan upang makapaghan­da. Sadyang pinupukol siya ng maraming tanong sa kahit anong isyu. Kung hindi masyado swak ang sagot ni Laurel, inaayos ito ng bahagya ng grupo nang sa gayon ay may kabig at pasabog sa tao. Paminsan-minsan, ako na rin ang nagsusulat sa maliit na pirasong papel kung may nakaligtaa­n siyang banggitin at inaabot sa kanya sa gitna ng mismong talumpati o pagsasagot.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines