Balita

Pormang ala-Disney villains, tampok sa NY fashion show

-

WALANG sinuman ang gustong maging fashion victim, ngunit nitong Biyernes ay inangkin ng mga kontrabida ang runway, nang ibida ng designers na The Blonds ang spicy at spiky styles sa runway, na inspired sa karakter ng villains sa Disney.

Inirampa ng mga modelo ang fashion styles na inspired kina Evil Queen ng Snow White,

Ursula ng The Little Mermaid, Cruella de Vil ng 101 Dalmatians, at Maleficent ng Sleeping Beauty.

Ipinakita naman sa malaking giant screen ang ilang clips mula sa classic Disney films na siyang tampok sa dazzling presentati­on ng fashion-as-theater fashion styles.

“We always loved the vixen, the femme fatale, and all the villains have these qualities,” lahad ni David

Blond sa Reuters tungkol sa inspirasyo­n para sa naturang koleksiyon, katuwang ang partner na si Phillipe Blond.

“They’re the coolest characters, they’re always the standout,” aniya. “They have the best personalit­y — it’s always something that’s interestin­g and unusual.”

Sa kabila ng pagiging less-than-wearable nature ng halos lahat ng damit, nagawa pa rin ng The Blonds na isabay sa uso ang kanilang mga likha, gaya ng paglalagay ng wide shouldered, waistlengt­h jackets, na hugot naman sa outfit style noong 1980s, na obviously, ay nauuso na ulit.

“It works with our brand DNA so well,” ani David. “It was so seamless.”

Nilikha ng mga designer ang looks para isuot ng mga performer na kilala dahil sa kanilang kakaiba at magarbong style gaya nina Lady Gaga, Katy Perry at Lil’ Kim.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines