Balita

PATIBAYAN!

Final Four slots, patatatagi­n ng San Beda, Letran at Benilde

- Ni MARIVIC AWITAN

Mga Laro Ngayon (Filoil Flying V Center) 10:00 n.u. -- CSJL vs SBU (jrs)

12:00 n.t. - CSB vs SSCR (jrs)

2:00 n.h. -- CSJL vs SBU (srs) 4:00 n.h. -- CSB vs SSCR (srs)

Standings W L LPU 11 0 San Beda 10 1 Letran 7 3 CSB 7 3 Perpetual 5 5 Arellano U 4 6 EAC 2 8 Mapua 2 8 JRU 2 9 San Sebastian 2 9

NAKAABANG na para sa Final Four slots, target ng defending champion San Beda University, Letran at College of St.Benilde na mapatatag ang kapit sa tinutuntun­gang puwesto sa pagpapatul­oy ng aksiyon sa second round ng eliminatio­n sa NCAA Season 94 basketball tournament sa Flying V Center sa San Juan.

Unang magtutuos ang Red Lions at ang Knights ganap na 2:00 ng hapon kasunod ang Blazers na mapapalaba­n sa kulelat na San Sebastian College Stags sa huling laro ganap na 4:00 ng hapon.

Magkakasun­od sa kasalukuya­n sa team standings ang abanggit na tatlong teams sa likod ng nangingiba­baw at undefeated Lyceum of the Philippine­s University (11-0). Nasa ikalawang puwesto ang San Beda hawak ang markang 10-1, habang magkasalo sa ikatlo ang Letran at St.Benilde na kapwa may barahang 7-3.

Tatangkain ng Red Lions na maulit ang 80-76 first round win kontra Knights noong Agosto 10 para manatiling nakadikit sa Pirates.

Gayunman, inaasahan na ni coach Boyet Fernandez na mas magiging mahigpit ang laban nila kumpara noong unang round lalo pa’t kakaibang lakas at inspirasyo­n ang taglay ng Letran na rumolyo sa ikatlong sunod na tagumpay kontra Arellano sa nakaraan nilang laban bilang alay sa kanilang kasangga na si Jerrick Balanza na maatagumpa­y na sumaialali­m sa operasyon para maalis ang tumor sa kanyang utak.

Samantala sa unang laro, umaasa naman si Blazers coach TY Tang na magpatuloy ang ipinapakit­a ng kanyang team partikular sa huling panalo nila kontra season host Perpetual.

“I guess if [we] want to get to playoffs, we need to win these kind of games, dikdikan. We have to fight through it whatever happens, move on and get to the Final Four,” ani Tang.

Sa panig naman ng katunggali­ng Stags, hangad ni coach Egay Macaraya na ang nakaraang tagumpay kontra Emilio Aguinaldo College ay maging simula ng kanilang pagbangon mula sa masalimuot na kampanya sa first round.

“Hopefully this will be a good start at maka-recover na kami. Nakuha na namin yung confidence. Maganda yung defense ng mga bata ngayon,” wika ni Macaraya kasunod ng 78-67 panalo kontra Generals noong Biyernes na nag-angat sa kanila sa markang 2-8.

Dapat sana ay 4-6 ang kartang Stags pero binawi ang unang dalawa nilang panalo kabilang na ang 85-78 sa Blazers noong Hulyo 13 dahil sa paglalaro ni RK Ilagan sa ligang labas.

 ??  ?? MISTULANG kampeonato ang kapaligira­n sa pagdiriwan­g ng Adamson Soaring Falcons nang silatin ang defending champion Ateneo Blue Eagles, 74-70, sa opening day ng UAAP Season 81 nitong Linggo sa Araneta Coliseum. RIO DELUVIO
MISTULANG kampeonato ang kapaligira­n sa pagdiriwan­g ng Adamson Soaring Falcons nang silatin ang defending champion Ateneo Blue Eagles, 74-70, sa opening day ng UAAP Season 81 nitong Linggo sa Araneta Coliseum. RIO DELUVIO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines