Balita

Mga ‘atat’ bumalik sa Malacañang, mabibigo

- Nina GENALYN D. KABILING, LEONEL M. ABASOLA at LESLIE ANN G. AQUINO

Mabibigo ang anumang planong pag-agaw sa kapangyari­han ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kawalan ng popular support, idineklara ng Malacañang kahapon.

Nagpahayag ng kumpiyansa si Presidenti­al Spokesman Harry Roque na poprotekta­han ng publiko ang demokrasya ng bansa mula sa mga grupong nagnanais na patalsikin ang pinuno na inihalal ng bayan.

“Hindimakak­aila na talagang iyong mga kalaban ng Presidente ay mga hindi makaantay ng susunod na eleksyon, para makabalik sa kapangyari­han. Ang tawag ko po sa kanila ay talagang atat na atat na makabalik sa Malacañang na isang katotohana­n naman,” banat ni Roque sa isang panayam sa radyo.

“Pero ang tingin ko nga po, ang taumbayan ay nagmamatya­g at dedepensah­an ang Presidente, dedepensah­an nila ang demokrasya dahil alam nila na ang mandatong ibinigay kay Presidente ay hanggang 2022,” idinugtong niya.

Kamakailan ay ibinunyag ng Pangulo na si Senador Antonio Trillanes IV ay nakikipags­abwatan sa Liberal Party at sa mga komunistan­g rebelde para patalsikin siya sa puwesto pagsapit ng Oktubre. Sinabi ni Duterte na natanggap niya ang intelligen­ce report tungkol sa diumano’y plano mula sa “sources from a foreign power.”

Ito ang ipinahayag ni Duterte matapos bawiin ang amnestiyan­g ibinigay kay Trillanes sa pagkakasan­gkot sa dalawang nagdaang kudeta dahil sa kabiguang sumunod sa requiremen­ts nito.

Itinanggi ni Trillanes at ng LP stalwarts ang mga alegasyon ng Pangulo na anila’y napapranin­g na.

NO NEED

Sinabi ng oposisyon na hindi na kailangang patalsikin si Duterte dahil mismong ang pagkatao nito at ang kanyang mga polisiya ang magtatangg­al sa kanya sa puwesto.

“Mr. Duterte, it’s your filthy and vicious mouth that destroys you. No need to overthrow you. You will fall, and fall hard. That’s for sure,” diin ni Sen. Leila de Lima.

Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros na tigilan na ni Duterte ang mga ilusyon nito na may mga tangkang magpapatal­sik sa kanya at sa halip ay ayusin na lamang niya ang problema ng bansa. “It is time to tell the President: quit terrorizin­g, start governing!” aniya.

‘DI SASALI

At kahit may ilang lider ng simbahan na bumabatiko­s sa administra­syon, sinabi ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s na hindi sila sasali sa anumang planong destabilis­asyon.

“Definitely if there is such a plan, the Church is not part of that. I can say that,” paniniyak ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, sa Tapatan Forum sa Manila, kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines