Balita

John Lennon, may commemorat­ive stamp

-

MAGIGING bahagi na ang iconic round glasses at shaggy 1970 look ni John Lennon ng U.S. stamp.

Present ang biyuda ni Lennon, si Yoko Ono at ang kanilang anak nasi Sean Lennon sa selebrasyo­n ng U.S. Postal Service para sa paglalabas ng stamp na alay sa namayapang singer. Libu-libong fans ng member ng The Beatles ang nakibahagi sa pagdiriwan­g sa Central Park ng New York nitong Biyernes.

“I know that my father would have been really thrilled to be accepted, officially in this way, on a stamp,” pahayag ni Sean. “About as official as it gets, I think.”

Makikita sa commemorat­ive stamp ang larawan ni Lennon na kinunan noong 1974 sa bubong ng kanyang Manhattan apartment building na kuha ni Bob Gruen, na nagsalita rin sa pagdiriwan­g. Nakadiseny­o ang stamp “like a 45-rpm record sleeve.”

“Everybody loves to listen to John’s songs and I’m very proud of it, but also the fact that this day, Imagine and you guys are here. It’s incredible,” ani Yoko.

Nagbiro pa si Yoko na isinisisi sa kanya ang pagkakawat­ak ng Beatles.

“If John just went with me and then he began, ‘La La La, Da Da Da’ or something like that, people say, ‘Well, that’s Yoko’s fault,’”aniya. “Well, it’s always my fault.”

Naging mainit naman ang pagtanggap kay Yoko ng mga manonood, na binigyan siya ng standing ovation.

Matapos ang event agad na pinilahan ng mga tao na ang stamp.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines