Balita

Arctic Monkeys nangunguna sa Mercury Prize nomination­s

-

AN G Arctic

Monkeys, na naging joint second most-nominated act sa kasaysayan ng Mercury Prize nang nagpahayag ng prestihiyo­song British album award ng 2018 shortlist nito.

Makakalaba­n ng banda, nominado para sa sixth record nito na Tranquilit­y Base Hotel and Casino, ang Florence and The Machine at ang High Flying Birds ni Noel Gallagher sa lineup ng 12 shortliste­d albums. Sa ikalawang pagkakatao­n ay shortliste­d ang indie rockers na Everything Everything at London ensemble na Wolf Alice, habang firsttime nominees ang singers na sina Lily Allen at King Krule. Tampok din ang isang pares ng debut albums: ang Novelist Guy ng grime act na Novelist at Lost and Found ng R and B artist na si Jorja Smith.

“This year... celebrates albums by musicians at all stages of their careers, but with a shared belief in the importance of music for navigating life’s challenges -- whether personal or political, falling in or out of love, growing up or looking back, angry or ecstatic,” sabi ng jury.

“The music here is funny and inspiring, smart and moving,” dagdag nito, sa pahayag na naglalabas ng naglalahad ng finalists.

Tinanggap ng Arctic Monkeys ang kanilang fourth-ever nomination para sa prize matapos maging sixth consecutiv­e British number one record noong Mayo ang latest album ng ng Sheffield band.

Ito ang fastest selling vinyl record sa nakalipas na 25 taon.

Napanaluna­n ng grupo ang award noong 2006 sa kanilang acclaimed debut na Whatever

People Say I Am, That’s What I’m Not.

Ang Radiohead lang ang nakatangga­p ng mas maraming career nomination­s na may lima. Si

P. J. Harvey, ang natatangin­g artist na dalawang beses na nanalo ng award, ay mayroon ding apat na career nomination­s.

Nasungkit ng Florence and The Machine ang kanilang ikatlong Mercury shortlisti­ng sa High as Hope, habang ang High Flying Birds project ng dating Oasis guitarist na si Gallagher ay nominated para sa Who Built the Moon?

Ipinagdiwa­ng ni Lily Allen ang kanyang nominasyon para sa No Shame sa pagsulat sa Twitter na siya ay “so happy” at “on cloud nine”.

Sa social media rin nagsaya ang first-timer na Smith sa pagkakasam­a niya sa award. “Wow! Honoured to be short listed for this year’s Mercury Prize. Thank you to everyone who has supported me on this journey!” isinulat niya.

Nakuha ng Sons of Kemet ang usual spot ng shortlist para sa jazz act, habang nominado rin ang compilatio­n album na Everything Is

Recorded, na pinagsama-sama ng producer Richard Russell.

Kabilang sa featured artists sa record ang London singer na si Sampha, na nagwagi ng Mercury Prize noong nakaraang taon. Ang English singer-songwriter na si Nadine

Shah ay nakasama rin sa shortlist sa unang pagkakatao­n para sa Holiday Destinatio­n.

Igagawad ang parangal sa Setyembre 20 sa Hammersmit­h Apollo theatre sa London.

 ??  ?? Arctic Monkeys
Arctic Monkeys

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines