Balita

Carpio, ayaw maging Chief Justice

- Bert de Guzman

TALAGANG ayaw ni Acting Supreme Court Chief Justice Antonio Carpio na tanggapin ang nominasyon para sa posisyon ng Punong Mahistrado na nabakante nang ma-quo warranto si exSC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Sa isang-linyang liham sa Judicial Bar Council (JBC), pormal niyang tinanggiha­n ang panawagang tanggapin ang automatic nomination para sa puwesto ng pinatalsik na si Sereno. Kinumpirma niya na tinanggiha­n niya ang nominasyon bagamat masigasig sina ex-SC Chief Justice Hilario Davide Jr. at Integrated Bar of the Philippine­s (IBC) sa pagsuporta sa kanyang nominasyon.

Makalawa nang na-bypass si Carpio sa puwesto noong panahon nina ex-Pres. Gloria MacapagalA­rroyo (2010) at ex-Pres. Noynoy Aquino (2012). Si Renato Corona ang nahirang na Chief Justice noong panahon ni Arroyo samantalan­g si Lourdes Sereno ang napiling Punong Mahistrado noong panahon ni Aquino.

May nagtatanon­g kung bakit ayaw tanggapin ni Carpio ang nominasyon. May naghihinal­a na baka kaya ayaw niyang tanggapin ito ay dahil tiyak naman na hindi siya ang pipiliin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sapagkat very vocal siya sa pagpuna sa Pangulo sa pagwawalan­g-kibo sa pag-okupa ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea kahit ang bansa ang nanalo sa kaso sa Arbitral Court noong 2016.

May nagkokomen­to naman na ayaw niya ng gulo dahil sakaling siya ang mahirang na SC Chief Justice, tiyak na makakabang­ga niya si PRRD at ayaw niyang siya ay tinatakot. Ayaw niyang baluktutin ang batas at palambutin ang hudikatura.

Samantala, hindi naman laging pagpuna kay PRRD ang ginagawa ni Carpio. Pinuri niya ang Pangulo sa pangako nito na ipagtatang­gol ang soberanya ng ‘Pinas sa WPS. Ang pangako ni Mano Digong ay nakalaman sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 23 sa Joint Session ng Kongreso.

Tama raw ang paninindig­an ni PDu30 nang sabihin niyang poprotekta­han niya ang interest ng bansa sa WPS. “That’s the correct position. We should never give up our rights there.” Katig din siya sa pahayag ng Pangulo na maaari pa rin tayong maging kaibigan ng China nang hindi hindi isusuko ang ating territoria­l claims laban sa dambuhalan­g bansa.

“Puwedeng ma-reconcile ito. Maaaring magpatuloy ang pakikipagk­alakalan natin sa China habang ipinagtata­nggol ang ating sovereign rights.” Sinabi ni Carpio na may iba pang mga relasyon ang PH sa China bukod sa kalakal at negosyo, tulad ng ugnayang-kultural, at iba pang mga bagay.

Ngayon ay si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria MacapagalA­rroyo na ang Speaker matapos sipain ng mga kongresist­a si Davao del Norte Representa­tive Pantaleon Alvarez. Kapag isinulong ni GMA ang Charter Change tungo sa pederalism­o at “naamoy” ng mga senador na plano raw niya na maging Prime Minister, hahadlanga­n nila ito upang hindi na makabalik sa kapangyari­han si Aleng Maliit.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines