Balita

Credit assistance para sa 2,796 na benepisyar­yo ng DAR

- DAR PR/PNA

SIGURADO

na ang nasa 2,796 na agrarian reform beneficiar­ies (RB) sa rehiyon ng Caraga para sa credit and insurance program assistance, sa ilalim ng Agrarian Production Credit Program (APCP) ng pamahalaan.

Ibinahagi ang P5.1 milyong halaga ng credit assistance sa 24 na agrarian reform beneficiar­y organizati­ons (ARBOs) sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigai del Norte, at Surigao del Sur.

Ito ang iniulat ni DAR Assistant Regional Director Daylinda Narisma sa 2018 mid-year performanc­e review and planning session ng ahensiya, na idinaos sa Tagaytay City nitong Huwebes.

“The credit assistance is being utilized by the farmer-beneficiar­ies for land preparatio­n and farm cultivatio­n including seeds, fertilizer and other expenses until they are able to harvest their produce,” pahayag ni Narisma.

Layunin ng APCP na makapagbig­ay ng tulong na pautang sa mga agrarian reform beneficiar­ies o sa mga pamilya ng ARB sa pamamagita­n ng mga organisasy­on, tulad ng ARBOs o iba pang paraan na hindi nabibigyan ng pagkakatao­n na makautang sa ibang mga lending institutio­n, layon ng proyekto na ito na suportahan ang mga indibiduwa­l na magsasaka o maging ang communal crop production.

Idinagdag din ni Narisma na bukod sa pautang para masuportah­an ang produksiyo­n ng mga pananim, tinitiyak rin ng APCP ang matatag na produksiyo­n ng mga pananim at pagtaas ng kita ng mga miyembro ng ARB, kasabay ng pagpapatat­ag sa ARBOs. Hangad din ng proyekto na maiangat ang kapabilida­d ng ARBs sa pamamagita­n ng probisyon ng institutio­nal capability building activities.

Ang Agrarian Production Credit Program (APCP) ay isang pinagsaman­g credit at capability developmen­t project ng Department of Agricultur­e, Department of Agrarian Reform at ng Land Bank of the Philippine­s na layuning magbigay ng tulong na pautang sa mga samahan ng mga magsasaka at ARBs na hindi kuwalipika­do na makakuha sa financing program ng LBP.

Ayon kay DAR Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS), Director Resty Osias, isinagawa ang DAR performanc­e review and planning session nitong Hulyo 24-27, para masolusyun­an at matugunan ang mga problema sa implementa­syon ng agrarian reform.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines