Balita

High heels ng mga anak, idinepensa ni Heidi Klum

-

BINUWELTAH­AN ni Heidi Klum ang mga bumabatiko­s sa kanyang desisyon na pahintulut­an ang kanyang mga anak na babae na magsuot ng high heels. Sumikat ang supermodel noong 1990s at naging unang German Victoria’s Secret Angel noong 1999 . Nagkaroon siya ng apat na anak: sina Leni, 14-anyos; Henry, 12; Johan, 11; at Lou, 8. Sa isang panayam kamakailan ng Elle inamin ni Heidi na marami ang bumatikos sa kanya dahil pinayagan niya ang kanyang dalawang dalagita na magsuot ng sapatos na matataas ang takong, ngunit hindi siya natinag ng kanyang mga kritiko, iniulat ng Cover Media.

“People get upset, especially in Germany, if they see my daughters wearing high heels. Big deal!” buwelta ng 45-anyos. “If we go to a restaurant, they like to get dressed up. It’s fun for them. So what if they hobble on their

little heels for 20 steps from the car to the restaurant? As long as they’re good kids and they get good grades, they can wear what they want to wear.” Nagpahinga na si Heidi sa fashion industry para pagtuunan ang business ventures, gaya ng kanyang Heidi Klum Intimates lingerie line, at tinutukan ang kanyang career sa telebisyon bilang host ng Germany’s Next Top Model at Project Runway. Kinuha rin ang fashion icon bilang judge sa America’s Got Talent noong 2013, at ibinahagi na natutuwa siyang magbigay ng style advice sa kanyang co-star na si Simon Cowell.

“Since the day I met him, everyone was always like, ‘Simon’s coming!’ Very afraid of him,” aniya. “I just went up to him and said, ‘So, Simon, when are we going to do a makeover?’”

Naniniwala si Heidi na ang kanyang talent bilang television judge ay nakasalala­y sa kanyang straightfo­rward honesty.

“I’ve never been wishy-washy about anything,” giit niya. “I don’t like it when people have no opinion.”

 ??  ?? Heidi
Heidi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines