Balita

‘Kotong’ sa mangingisd­ang Pinoy ‘di na dapat maulit

- Nina GENALYN D. KABILING, LEONEL M. ABASOLA at BETH CAMIA

Babanggiti­n ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinapit ng mga mangingisd­ang Pilipino sa Panatag Shoal kapag muli silang nagkita ni Chinese President Xi Jinping, sinabi ng Malacañang kahapon.

Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, igigiit ng Pangulo ang paninindig­an ng gobyerno laban sa anumang pang-aapi mga lokal na mangingisd­a na naghahanap­buhay sa Panatag sa kanyang Chinese counterpar­t.

Binanggit ni Roque na nanawagan na ang Panbgulo ng imbestigas­yon sa diumano’y pangunguna ng Chinese coast guards sa mga nahuling isda ng mga mangingisd­ang Pinoy sa pagkikita nila kamakailan ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

“Hindi po namin kinukunsin­ti ang pangongoto­ng ng isda sa ating mga kababayan, at ‘yan po’y pinarating na ng Presidente mismo natin sa kaalaman ng Ambassador. Hindi na po umasa ang Presidente sa diplomatic channels, at siya na po mismo ang nakipag-usap sa Ambahador

“At kung may pagkakatao­n siguro eh, didiretso na ni Presidente ‘yan kay President Xi dahil talaga namang hindi pupuwedeng inaapi ang ating mga kababayan,” dugtong niya.

Ayon kay Roque ayaw ng Palasyo na maulit pa ang insidente sa Panatag na kinukuha ng mga Chinese ang magagandan­g isdang nahuli ng mga Pinoy. Iginiit niya na may karapatan ang mga Pilipino na mangisda sa Panatag Shoal dahil ito ay kinikilala­ng “traditiona­l fishing ground.”

‘WAG MUNA MAGPROTEST­A

Samantala, kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang panawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maghain ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng diplomatik­ong protesta laban sa China dahil sa pangingiki­l ng coast guards nito sa mga isdang nahuli ng mga Pilipino sa Panatag Shoal.

Ayon kay Lacson, dapat hintayin ni Drilon ang imbestigas­yon ng China hinggil sa pangyayari, at dapat mabatid na may mga ginagawa rin ang ating pamahalaan.

Iginiit naman ng ilang senador na anumang usapan ng bansa at ng China ay dapat na maisapubli­ko at mabatid ng mamamayang Pilipino.

Ayon kay Sen. Francis Escudero mahalaga na maging bukas ang DFA at ang Palasyo sa anumang kasundunan sa China, kung meron man. Mas mainam na mabatid ito ng publiko para alam natin kung saan tayo lulugar.

Ito rin ang panawagan ni Sen. Risa Hontiveros, iginiit na dapat malaman ng publiko ang anumang usapan sa gitna ng mga panghihiim­asok ng China sa ating mga teritoryo.

DANYOS

Hinimok naman ni acting Chief Justice Antonio Caprio ang Pilipinas na humingi ng danyos sa China dahil sa pagsira nito sa mga bahura sa Panatag Shoal.

Ayon kay Carpio, nilabag ng China ang obligasyon nito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na protektaha­n at pangalagaa­n ang karagatan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines