Balita

Isang magandang simula para kina Trump at Kim

-

ITOay simula. Nagkita sina United States President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un sa Singapore nitong Martes, at nilagdaan ang dokumento na nangangako si Trump ng “security guarantees” sa North Korea habang muling inihayag ni Kim ang pangako nitong “complete denucleari­zation of the Korean Peninsula.” Nangako ang dalawang bansa na “build a lasting and stable peace regime.”

May ilan pang kasunduan bukod sa kasunduang pauwiin ang mga natitirang “prisoners of war” at ang mga “missing in action” noong panahon ng Korean War noong 1950-53. Walang hakbang upang pormal na wakasan ang digmaang ito. Wala ring detalye tungkol sa pangako ni Kim na tapusin ang “denucleari­zatrion” ng buong peninsula gayundin ang detalye ng “security guarantees” na ipinangako ni Trump.

Ngunit ang pagdalo ni Kim sa pagpupulon­g ay isang “good prelude for peace” at ang pangako ni Trump na “working together, we will get it taken care of.” Nagkasundo ang dalawang pinuno na “decided to leave the past behind,” ani Kim.

Ang nakaraang pinangako nilang iiwan ay ang milyong tao na nabuhay sa likod ng digmaang nukleyar. Sinabi ng North Korea na nakalikha na ito ng mga nukleyar na armas at ballistic missile na kayang umabot sa lupain ng US at lalo na sa kalapit nitong mga bansa. Kung mangyari ang pinanganga­mbahang digmaan, maaaring mabura ang Amerika sa mapa matapos lamang ang unang pag-atake. At sa kalaunan, ang mga kalapit na bansa tulad ng South Korea, Japan, China at maging ang Pilipinas, ang siyang magdurusa dulot ng mga epekto nito.

Kailangan ang detalye sa matagumpay na kasunduang nakamit sa Singapore. Ang pangako sa denucleari­zation ay kailangan isa-isahin kasama ang mga tiyak na aksiyon na kailangang alamin. Bilang kapalit, kailangang siguraduhi­n ng US ang seguridad ng North Korea. Tulad ng binanggit ni US Secretary of State Mike Pompeo, na gagawa ang Amerika ng aksiyon upang bigyan ang North Korea ng “sufficient certainty” upang hindi sila madehado sa isasagawan­g denucleari­zation.

Sinubaybay­an ng buong mundo ang naging pagpupulon­g sa Singapore, lalo’t isa itong mahalagang pagkakatao­n para sa kasaysayan ng mga bansa na malaki ang posibilida­d na masira. Inihalintu­lad ito ng ilan sa naging pagbisita ni US President Richard Nixon sa China noong 1972, na naging daan sa pagtatapos ng sigalot sa pagitan ng dalawang bansa gayundin ang naging pagbisita ni US President Ronald Reagan kasama si Mikhail Gorbachev ng Soviet Union noong 1986, na naging hudyat ng pagtatapos ng Cold War.

Marami pang pagpupulon­g at negosasyon ang kinakailan­gan upang mailatag ang detalye ng mga kasunduan. “We will meet again” pahayag ni Trump matapos ang paglagda sa Singapore, “we will meet many times.”

Subalit ang unang hakbang tungo sa kapayapaan ay naganap na nitong Martes sa Singapore. Isa itong magandang hakbang, isang magandang simula.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines