Balita

Class at work suspension, linawin

- Charissa M. Luci-Atienza

Panahon na para palitan ang “obsolete” na executive order ni dating Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa pagsususpi­nde ng klase at trabaho.

Ito ang iginiit kahapon ni Assistant Majority Leader, 1-Ang Edukasyon Partylist Rep. Salvador Belaro Jr., sinabing limitado lang ang Executive Order 66, series of 2012 sa public storm warning signals ng Philippine Atmospheri­c Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA), at nagbibigay ng pahintulot sa mga lokal na opisyal na magpatupad ng sariling suspensiyo­n.

“The effects of storms are no longer what they used to be. Storms these days are more powerful and destructiv­e. Even Signal No. 2 storms cause heavy rain and killer floods. We have more extreme weather events now than ever before because of global warming and climate change. Monsoon rains do not have storm warning signals,” ani Belaro.

Hinikayat ni Belaro ang Malacañang na gamitin ang House Bill 6072 bilang gabay para sa isang bago, makabago at mas kapakipaki­nabang na EO para sa suspensiyo­n ng klase at trabaho tuwing may kalamidad.

BataysaHB6­072, maaaringma­gsuspinde ng klase at trabaho ang Malacañang at mga awtoridad para sa Storm Signal No. 2, sa halip na Signal No. 3.

Sakop din sa HB 6072 ang ibang kalamidad, tulad ng landslides, lindol, sunog, tsunami, storm surge, toxic chemical spills, barilan, hostage-taking, kidnapping, banditry, terorismo, at state of emergency.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines