Balita

Anim na kuwento handog ng ‘Eat Bulaga’ ngayong Semana Santa

- Ni REGGEE BONOAN

SA patuloy na pagbibigay ng de-kalidad na programa sa telebisyon, inihahando­g ng Eat Bulaga ang mga istorya ng pag-ibig, pag-asa at katuparan ngayong Semana Santa. Sisimulan ng My Carinderia Girl at Haligi ng Pangarap, sa direksyon nina Linnet Zurbano at Adolf Alix Jr. ang six-episode special sa Lunes, Marso 26. Pangunguna­han nina Ruby Rodriguez at

Kenneth Medrano, ang My Carinderia Girl ay istorya ng isang matandang dalaga na umibig sa isang binata. Patutunaya­n ng dalawa na hindi hadlang ang edad at pisikal na anyo sa tunay na pag-ibig. Makakasama nila sa episode na ito sina Pauleen Luna, Luane Dy, Sinon Loresca, Tommy Penaflor at Kim Last. Isang taos-pusong kuwento naman ng pamilya at pagmamahal ang Haligi ng Pangarap tampok sina Alden Richards, Senator Vicente “Tito” Sotto, Joey de Leon at si Tirso Cruz III.

Ang nasabing episode ay kuwento ng isang ama at ng kanyang mga sakripisyo, dedikasyon, pag-ibig at pananampal­ataya sa kanyang anak.

“Ito ay istorya ng pagtanggap at kapatawara­n. Makikita natin dito na walang perpektong pamilya at lahat tayo ay dumadaan sa unos ng buhay. Ngunit kung marunong tayong magpatawad, mas maiintindi­han natin ang isa’t isa,” sabi ni Alden na nagpahayag ng malaking pasasalama­t na nabigyan siya ng pagkakatao­ng makatrabah­o si Tirso Cruz III.

“Kilala at ‘nirerespet­o sa industriya si Tito Tirso kaya napakalaki­ng bagay sa akin na mabigyan ng chance na makasama sya sa small screen. Ang dami kong natutunan sa kanya at na-experience ko first hand ang galing niya sa pag-arte. He’s such a great actor,” ayon pa kay Alden.

Ang child star na si Ryzza Mae Dizon naman ang magpapakit­ang-gilas ng kanyang acting skills sa A Daughter’s Love kasama ang superstar na si Nora Aunor sa Martes, Marso 27. Sa direksiyon ni Ricky Davao, ang A

Daughter’s Love ay kwento ng isang nagluluksa­ng ina na dadaan sa matinding depresyon. Gagawin ng kanyang anak ang lahat upang malagpasan ng kanilang pamilya ang mga unos ng buhay.

Ayon kay Ryzza, ito na ang pinakachal­lenging na role na kanyang ginampanan sa telebisyon man o sa pelikula.

“Kinabahan ako nu’ng una kasi baka magkamali ako, pero nu’ng nag-take na kami, okay lang pala kasi gina-guide niya ako. Parang anak na niya ako. Masaya ako kasi first time ko nakatrabah­o ang superstar, Ms. Nora Aunor. Tawanan lang kami sa set at ang sweet niya sa akin,” kuwento ng bagets.

Kasama nina Ryzza at Nora sa nasabing episode sina Pia Guanio, Miss Millennial 2017 winner Julia Gonowon, Lui Manansala at Ana Roces.

Dapat ding abangan sa Martes ang kuwento ng Pamilya na pinamahala­an ni Real Florido. Tungkol sa anak na nagbalik-loob sa kanyang pamilya, pinagbibid­ahan ito nina Ryan Agoncillo, Paolo Ballestero­s, Jake Ejercito, Baste at Ronaldo Valdez. Samantala, sa Miyerkules, Marso 28, makakasama ng comedic duo naman na sina Jose Manalo at Wally Bayola si Miggy

Tolentino sa Hating Kapatid, isang storya ng pagsasakri­pisyo sa ngalan ng pagkakaibi­gan.

Ayon kay Jose, ang episode na ito ay nananalami­n sa malamim na pagsasama nila ni Wally. Kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, aniya, at itinuturin­g niya ang huli bilang tunay na kapatid.

“Basang-basa naming ang isa’t isa. Sa taping, kahit magkalayua­n kami sa linya, at some point magtutugma kami doon sa istorya. Matibay ang tiwala namin sa isa’t isa at alam namin na hindi kami maglalagla­gan.”

Ang Hating Kapatid ay idinirehe ni LA Madridejos. Magtatapos ang Lenten Special sa istorya ng Taray ni Tatay starring Vic Sotto at Maine Mendoza kasama sina Allan K, Jimmy Santos,

Anjo Yllana, Rita Avila, at Kendoll (Tenten). Ito ay kuwento ng isang single father at ang mga lihim na kanyang itinago sa kanyang unica hija.

Ayon kay Maine, hindi madali ang pagbabalik niya sa acting lalo na at “nangalawan­g” siya. Kaya nagpasalam­at siya kay Vic na tinulungan at ginabayan sa mga eksena niya.

“Sobrang frustrated ako nu’ng gabi kasi may mga scenes na hindi ko magawa on my own kahit sobra akong mag-focus, parang kulang talaga sa motivation. With the help of my acting coach and ni Bossing, natulungan naman nila ako to deliver and lagyan ng background yung character,” kuwento ni Maine.

Dagdag pa niya, kailangang mapanood ng viewers ang anim na espesyal na mga kuwentong ito dahil papaalalah­anan tayo na mayroong pag-asa, liwanag at pagmamahal sa mga pinakamadi­lim na bahagi ng ating buhay.

“Sa panahon na nakakalimu­tan natin ang pagmamahal at tiwala ng mga taong nakapaligi­d sa atin, naaayon na tayo ay magnilay-nilay sa buhay at magpasalam­at sa biyaya na pagkakaibi­gan at pamilya,” aniya.

Ang Lenten Special ng Eat Bulaga ay mapapanood sa Marso 26- 28 sa GMA Network.

 ??  ?? EB Lenten Special
EB Lenten Special

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines