Balita

Force multiplier­s

- Aris Ilagan

MADALING araw pa lang ay nagsimula nang dumagsa ang mga rider sa grandstand ng Camp Crame. Suot ang nagniningn­ing na rider’s vest at club T-shirts, iba’t ibang grupo ng motorcycle club ang nakibahagi sa seremonya sa Camp Crame na pinamunuan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Bukod sa pagsaksi sa mass destructio­n ng mga nakumpiska­ng illegal vehicle attachment sa Camp Crame parade ground, ang pagsulputa­n ng mga rider sa nasabing kampo ay may kinalaman sa kanilang sinumpaang tungkulin bilang mga ‘Road Safety and Security Marshall.’

Bago dumating si General Bato sa grandstand, ilang ulit inensayo ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group ang mga rider sa pagsasagaw­a ng oath taking.

Lahat sila’y nabiyayaan ng libreng almusal – luncheon meat, itlog at kanin -- na inilagay sa styrofoam at maayos na ipinamahag­i sa mga volunteer na itunuturin­g ng PNP bilang mga “force multiplier.”

Nakipagtam­balan din ang Grab Philippine­s sa pagtataguy­od ng Road Safety and Security Marshall at karamihan sa mga volunteer nito ay kanilang mga driver.

Mabilis ang pag-usad ng programa at agad na naisumpa sa tungkulin ang mahigit sa 1,500 rider. Binigyan sila ni General Bato ng pin na may katagang ‘Road Safety Marshall.’ Ito ay kanilang ikinabit sa harapang bahagi ng kanilang rider vest, upang madali silang matukoy ng mga pulis na kanilang katulong hindi lamang sa pagsasaayo­s ng trapiko kundi maging sa paglaban sa kriminalid­ad.

Malinaw ang tagubilin ni General Bato sa mga volunteer: “Hindi sila sa isasabak ng pulisya sa paghabol sa mga kriminal. Sa halip, sila’y magiging kaakibat ng pulisya sa pangangala­p ng impormasyo­n sa mga kahina-hinalang personalid­ad na kanilang mamamataan sa lansangan.

Sakaling mayroong silang maispatang kriminal sa isang lugar ay agad nila itong irereport sa tanggapan ng pulisya upang maaksiyuna­n.”

Hindi rin binigyan ng baston at baril ang mga volunteer na nangangahu­lugan na sa informatio­n gathering limitado ang kanilang magiging papel.

Naniniwala si General Bato na magiging epektibo ang pagtatatag ng Road Safety and Security Marshall dahil kadalasang nasa lansangan ang mga ito habang nagmamaneh­o ng mga Grab vehicle.

Ngunit mahigpit din ang babala ni General Bato laban sa posibleng pagabuso ng mga volunteer.

Sa kanyang talumpati, ilang ulit sinabi ni General Bato na hindi magaatubil­i ang pulisya na sampulan ang kahit sinong Road Safety Marshall kapag sila’y lumabag sa batas at magtatangk­ang gamitin ang pin upang makaiwas sa pananaguta­n.

Sana’y totohanin ni General Bato ang kanyang babala.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines