Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-92 labas

MULI,

inaakit ni Melanie si Pedring para minsan pa ay magtalik sila. Mahigpit ang pagtanggi ni Pedring. Ni ayaw niyang tingnan si Melanie kahit ito ay hubad na hubad na. sa kubo sa bukid nangyayari ito.

“Mahirap ba, Pedring…na tingnan ako. Hindi naman tinginan lang ang nangyari na sa atin, di ba?”

Naniniwala pa rin si Melanie sa lumang kawikaan na sa Bgy. Mauwak: Walang manok na tumanggi sa palay. Puwede pa nga raw tumanggi ang manok sa palay kung hindi pa nakikita. Pero kapag nakahain na raw ang palay, tiyak na tutukain iyon.

Nakatingin na nga sa kanya si Pedring. Nakatitig sa dati’y paborito na nitong tingnan.

Pagkuwan, anito: “Ngayong matingnan na kita, siguro nama’y magbibihis ka na at aalis.” Nakayuko ngayon si Pedring.

Pero hindi nagbihis si Melanie. Sa halip, lumapit siya kay Pedring. Malapit na malapit. Halos ay dumikit.

“Talaga bang ayaw mo, Pedring?” Niyakap na niya si Pedring. Mahigpit. Pilit niyang ipinadama ang kanyang kahubdan. “Ang yabang mo naman, Pedring! Alam ko namang gusto mo rin, di ba?”

Alam niya, nararamdam­an niya, ang matibay na ebidensyan­g gusto rin ni Pedring.

Dahil sa natuklasan­g ebidensya, si Melanie na ang kusang kumilos. Parang rebultong inalisan niya ng balot si Pedring.

Kahit walang nagtutulak sa kanila, aywan kung bakit tumumba sila sa sahig. At hindi man sila nagaaway, aywan kung bakit sila ay nagbubuno. At patas yata ang laban. Mapailalim, mapaibabaw siya. Gayon din si Pedring.

Kaybilis nayari ang rituwal ng pag-ibig.

“Hindi n asana natin dapat ginawa ‘yon, Melanie.” “Ayaw mo, Pedring.” “Hindi sa ayaw, Melanie. Pero hindi ba nasabi ko na sa iyo ang dahilan?”

“Na ayaw mong mabuntos ako dahil ayaw mong panagutan?”

Matagal bago ang sagot. “’Yun nga lang ang mga nangyari sa atin… dapat na kitang panagutan. Dito sa atin, dib a mayakap lang…pag hindi pinakasala­n…ilalaban na ng patayan?”

“Kung magagawa nga lang kitang mahalin, Melanie. Humpt! Pero malaking pagkakasal­a ang magagawa ko kung pakakasala­n kita at si Lagring pa rin ang laman ng puso ko.”

Katahimika­n. Matagal.

“Paano kung buntis ako?”

Hindi kumibo si Pedring.

“Okey lang naman, Pedring.” Pintindi niya ang lungkot sa kanyang boses. “Kung hindi mo ako pwedeng pakasalan, pwede naman siguro akong maging dalagang ina.”

“Hindi naman siguro mangyayari ‘yon, Melanie.” “Pa’no kung nangyari na?” “Ibang usapan na pag buntis ka, Melanie.”

“Ibig mong sabihin, Pedring… hindi mo ako papayagang maging dalagang ina?” Hindi kumibo si Pedring. Pagkaraan ng ilang mahahang sandali, si Pedring din ang hindi nakatiis: “I-ibig mong s-sabihin, Melanie…buntis ka? Nagpasuri ka na ba uli sa doktor?”

“Oo, Pedring…oo. Buntis nga ako!”

Kung kailan niya pa nasabi kay Pedring na buntis siya saka siya sinalakay ng matinding kaba. Paano na ngayon si Manding. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines