Balita

Tips kung paano maiiwasan ang food-borne diseases

-

Nagbigay

ng tips ang isang health official nitong Miyerkules kung paano matitiyak ng publiko na ligtas ang pagkain ngayong panahon ng tag-init.

“Sa tamang pamamaraan at prosesong paggawa ng pagkain, makakasigu­ro tayo na kahit papaano ay maliligtas yung mga pagkain sa pagkapanis o pagkasira,” lahad ni Department of Health ( DoH) spokespers­on Dr. Lyndon Lee Suy.

Sinabi ni Lee Suy na ang maling paraan ng paghawak sa pagkain at pananatili nito nang matagal sa lugar na mataas na temperatur­a, gaya ng temperatur­a ng karaniwang silid, ay maaaring magdulot ng pagdami ng bacteria, na nagiging sanhi ng pagkapanis ng pagkain.

Naglahad din siya ng ilang sanhi ng pagkasira ng pagkain. “’ Yung pagkapanis ng pagkain kasi maraming anggulo talaga tayong dapat kinu-consider dito,” ani Lee Suy. Halimbawa, aniya, ang maling paghahanda ng pagkain, hindi maayos na paglilinis ng mga ingredient at pagluluto ng mga pagkain sa maling temperatur­a ay maaari ring maging sanhi ng pagkapanis nito.

Ang paglalagay ng mga pagkain sa refrigerat­or ay makatutulo­ng upang hindi agad mapanis, dahil dumarami ang microorgan­isms sa mainit na temperatur­a.

Paano masasabing panis na ang pagkain? Maaamoy mo ito. Karaniwan, nagsisimul­a nang masira ang pagkain kapag mabaho na ito, masama ang lasa at di kanais- nais na hitsura. Nagagawang madulas ng bacteria ang mga prutas at gulay, at bumabaho ang mga karne.

Ani Lee Suy, masasabi ring panis na ang pagkain batay sa itsura nito.

“Sabi nga nila, ‘pag nakikita mo ang pagkain na parang may bula-bula, kakaiba na ang itsura kumpara du’n sa pagkakalut­o o sa inaasahan mong makita, magdalawan­gisip ka at baka panis na ‘yung pagkain,” paliwanag niya.

Sa pag-amoy at paglasa, matutukoy kung panis na ang pagkain.

Ano ang maaaring gawin sakaling makalunok ng panis na pagkain?

Abiso ng DoH spokespers­on, sakaling aksidenten­g makakain ang isang tao ng panis o kontaminad­ong pagkain, nagsisimul­ang magsuka ang apektado, at nakararana­s ng pananakit ng tiyan at pagtatae, kaya kailangan na nitong magtungo at magpagamot sa doktor.

“Mas maganda ‘yung maagapan kaagad at marelease yung signs of discomfort sa katawan mo. Magpatingi­n ka kaagad or kung di man ikaw yun, o kaya ay anak natin yan, dalhin natin kaagad sa doctor or sa health facility,” paalala niya.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines