Balita

Yassi at Sam, malakas ang kilig

- –Reggee Bonoan

NAKAKABING­I

ang hiyawan ng fans nina Sam Milby at Yassi Pressman sa premiere night ng pelikula nilang Ang

Pambansang Third Wheel nitong Martes sa SM Megamall Cinema 7.

Bagay na bagay ang magandang rehistro ng dalawa sa malaking telon dahil guwapo’t maganda kaya marami ang kinilig na tukso nang tukso sa kanila off-camera, pero tulad ng sinabi nila sa presscon ng Ang Pambansang Third Wheel, career ang prayoridad nila ngayon.

Malinis at maayos ang pagkakadir­ek ni Andrew Ivan Payawal sa kanyang unang mainstream movie, kaliwa’t kanan ang mga pagbago sa kanya pagkatapos ng premiere kaya naman ang ganda ng mga ngiti niya.

Glossy at naalagaan ang lahat ng anggulo ng mga karakter at maayos at positibo ang pagkakalat­ag ng kuwento.

Si Direk Ivan din ang sumulat ng script na ang kuwento ay tungkol sa pamilya ni Trina (Yassi) at ng ama’t inang nagkahiwal­ay na ginagampan­an nina

Al Tantay at Francine Prieto. Umaasa ang tatay ni Trina na babalik pa rin ang ina ng tahanan na nangyari naman sa ending.

Sa ama lumaki si Trina pero hindi niya naramdaman na wala ang ina dahil busog siya sa pagmamahal at pag-aasikaso. Hindi nga lang successful ang love life niya na hindi nagtatagal kaya palagi siyang third wheel sa mga kaibigan niyang may mga partner in life.

Nakilala at naging boyfriend ni Trina si Neo (Sam) kaya inakala niyang mababago na ang papel niya, pero hindi third wheel pa rin pala siya dahil may anak ito sa pagkabinat­a at maging sa ina ng bata na ginagampan­an ni Sam Pinto at dito nagsimula ang conflict nila.

Sa tatay nagkukuwen­to si Trina kung ano ang nangyayari sa buhay pag-ibig niya bukod sa mga kaibigan at kaopisina na supportive sa kanya.

Laging sinasabi ng tatay ni Trina, ‘Kapag mahal mo, ipaglaban mo at huwag kang susuko!” Dahil pakiramdam niya ay lagi siyang talunan.

Sumama si Neo sa mag-ina sa Canada kaya naghiwalay na sila ni Trina at ang pabaon ng huli, “Mas masarap magmahal kapag puwede na.”

Mahigpit and bilin ng ama na ipaglaban ni Trina ang pagmamahal niya kay Neo kaya sinundan niya ito sa Canada para lang makita ang masaya nang na pagsasama ng tatlo roon, kaya bumalik bum siya ng Pilipinas para tuluyan nang na kalimutan ang lalaking nanakit nanak sa kanya.

Malaking Malakin dagok ang sumalubong sumalubo sa kanya dahil ang ama na tanging lalaking kakampi niya sa buhay ay nawala na rin, inatake inata sa puso.

Dumating Dum si Neo para makiramay m at nangakong nangako hindi na siya iiwan iiw muli, pero hindi na n naniwala si Trina. Nagtiyagan­g muli sa panliligaw si Sam, S at dahil mahal m pa rin naman n ng dalaga ay nagkabalik­an sila. sila Masaya Mas ang kuwento ng Ang Pambansang Third Wheel na may mg mga problemang pampaa pampaangha­ng at nalampa nalampansa­n naman kaya tiyak tiya na marami ang makak makaka-relate. Supor Suportahan sina Sam at Yassi Y sa Ang Pambansan Pambansang Third Wheel mula sa Viva V Films at IdeaFirst Company na palabas na simula nitong Miyerkules sa lahat ng SM Cinemas at iba pa. –Reg

 ??  ?? Sam at Yassi
Sam at Yassi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines