Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-80 labas

SINABI

ni Pedring na aalis siya kaya ayaw na niyang magtalik sila ni Melanie. Pero sabi ni Melanie: Paano kung buntis ako?”

Kandidilat si Pedring. Natunganga. Sa loob ng ilang mahahabang mga sandali, walang masabi.

Ngayon, tiyak na ni Melanie. Kung magkakaana­k pala siya hindi siya kayang iwan ni Pedring. Kung ganoon, kailangang makagawa siya ng milagro para mabuntis siya.

“B-buntis ka talaga, Melanie?” Nauutal si Pedring.

Taranta siya. Ano ba ang kanyang sasabihin?

Kung magsinunga­ling ngakaya siya kay Pedring? Kung sabihin niyang buntis siya kahit hindi. Pero teka. Gaano katagal niyang puwedeng lokohin si Pedring? Kung hindi sana lumalaki ang tiyan ng buntis. Dapat, pagkaraan ng ilang buwan…makakita ng ebidensya si Pedring. Kung hindi lalaki ang tiyan niya, malalaman ni Pedring na niloloko lang niya.

“B-bakit hindi ka sumagot, Melanie? B-buntis ka ba talaga?”

Kung sasabihin niya kay Pedring na hindi totoo, ano ang magiging resulta? Baka sa halip na maunawaan niya, magalit ito. Hindi ba kahit paano, naaliw niya ito? Kung wala ka, siguro’y nagpakamat­ay na ako!

“K-kung buntis ka, Melanie… hindi ko mapapatawa­d ang sarili ko!”

Isip. Isip. “Hindi mo naman kasalanan Pedring.”

“Kung gano’n …buntis ka nga!” My God! Hindi niya kayang sagutin!

“N-nagpatingi­n ka na ba sa doktor?”

Mahabang sandali bago siya napatango ng alanganin.

“S-sinabing…buntis ka t-talaga?” Hindi makapaniwa­la si Pedring?

Hindi niya kinusa, dala ng pagkataran­ta, napailing siya.

“Ano ba talaga, Melanie?” May galit na sa boses ni Pedring.

Umisip ka ng dahilan, Melanie. Dali! Kailangang maging kapani-paniwala ang rason mo.

“Nagpunta nga ako sa d-doktor, Pedring…” “Kaninong doktor?” “S-sa bayan, sa isang Dr. Clavio.”

“Dahil may hinala kang nagbunga ang mga ginagawa natin?”

“Dahil na-delay ang mens ko.”

“At…kinumpirma­ng buntis ka nga, Melanie? B-buntis k-ka?”

Ituloy na ba niya ang pagsisinun­galing? “S-sabi ni D-doktora…hindi pa raw sapat ang ilang mga araw lang para matiyak kung buntis nga ako o hindi…” Nagsisinun­galing ka, Melanie!

Ituloy mo llang ang sinasabi mo, nasimula mo na: “Sabi, pagkaraan dawn g mag isang… buwan…b-bumalik ako saka ko palang malalaman kung buntis ako.”

Tapangan mo pa ang hiya mo! Paano kung may alam na rin si Pedring tungkol sa mga katotohana­n na may kinalaman sa mga buntis? Nakatanga si Pedring. Parang natalo sa isang napakalaki­ng labanan.

Malaki pa rin ang problema mo, Melanie. Pagkaraan ng isang buwan, paano na? Kailangang buntis ka na sa loob ng panahong iyon! “H-huwag kang mag-alala, Pedring…” Puso naman ni Pedring ang kakatukin niya. “B-buntis man ako o hindi…wala kang dapat maging problema. Hindi kita papanaguti­n.”

Bumuntong-hininga si Pedring. “Ganito na lang. hindi na tayo magaano…magkukuwan… hihintayin natin ang isang buwan at babalik ka kay Doktora.” Napasama yata ng husto. Kung hindi na sila magsi-sex, paano pa siya mabubuntis? Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines