Balita

Naaksident­e nagpapasak­lolo sa R2- M hospital bill

- Ariel Fernandez

Nagpapasak­lolo ang isang constructi­on worker, na nahulog mula sa ika-10 palapag at muling nalaglag patungo sa 8th floor ng ginagawang gusali sa Salcedo Village sa Makati City noong nakaraang taon, ngunit pinabayaan umano sa ospital ng mga contractor ng gusali.

Kinilala ang biktimang si Roy Garcela, 26, tubong Leyte, glass installer ng ginagawang gusali sa Delacosta Street sa Salcedo Village.

Noong Nobyembre 23, 2017 nang mangyari ang aksidente habang nagkakabit ang biktima, kasama ang kapwa obrero, ng salamin sa loob ng gusali sa 10th floor at nang silipin ni Garcela sa labas upang tiyaking pantay ay nahulog siya sa malaking plywood na karga naman ng crane mula sa 15th floor.

Mula sa 10th floor, nabagsakan ang biktima ng malaking plywood hanggang mahulog pa siya sa 8th floor, na nagresulta ng malaking pinsala sa kanyang katawan.

Sa pahayag ni Richard Garcela, isa ring glass installer sa gusali, tumanggi na umanong gamutin ng ospital ang kanyang kapatid hanggang walang cash deposit kaya napilitan siyang mag-down ng P100,000.

Ayon pa kay Richard, nananatili­ng kritikal ang kanyang kapatid kaya kinausap niya ang kanilang contractor na si Hernanie Lumio, na noong una ay tumanggi umanong magdeposit­o at itinuro ang isa pang contractor.

Nangako umano ang isa pang contractor na tutulong sa gastusin sa pagamutan, pero lumobo na sa halos P2 milyon ang bayarin at hindi na umano nagpupunta sa ospital ang kinatawan ng naturang contractor.

Dahil dito, nananawaga­n ng tulong ng publiko ang pamilya Garcela.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines