Balita

Naya Rivera, lusot na sa kasong domestic battery

-

OPISYAL

nang nalusutan ng aktres na si Naya Rivera ang kulungan kaugnay sa pagkakaare­sto sa kanya dahil sa kasong domestic battery noong Thanksgivi­ng holiday.

Ang dating Glee star ay kinasuhan ng misdemeano­ur matapos umanong hampasin sa ulo ang asawang aktor na si

Ryan Dorsey nang mag-away sila noong Nobyembre 25, habang nagbabakas­yon sa mga kamag-anak sa West Virginia kasama ng anak nilang si Josey.

Pinakawala­n si Naya nang magpiyansa ng $ 1,000, at nitong unang bahagi ng Disyembre ay naghain ng diborsiyo laban kay Ryan – dalawang buwan makalipas ang boluntaryo­ng pagbawi sa una niyang petisyon noong 2016 para wakasan ang kanilang kasal.

Noong huling bahagi ng Disyembre, iniulat na nagkaroon ng temporary agreement ang dalawa para paghatian ang legal at physical custody ng dalawang taong gulang na si Josey, at bilang bahagi ng settlement, pumayag si Ryan na iurong ang kasong kriminal.

Ayon sa TMZ.com, ang kaso ay pormal na ibinasura ng mga opisyal sa Kanawha County Magistrate Court’s office sa West Virginia nitong Biyernes.

Kinumpirma ng prosecutor­s na isinara na nila ang kaso, dahil nilinaw ni Ryan na hindi na niya itutuloy ang kaso laban sa dating asawa.

Ikinasal sina Naya at Ryan noong 2014, ilang linggo lamang matapos putulin ni Naya ang kanyang engagement sa rapper na si Big Sean.

 ??  ?? Ryan at Naya
Ryan at Naya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines