Balita

NU chess team, handa na sa UAAP tilt

- Gilbert Espeña

HANDA na ang National University (NU) sa pagsulong ng University Athletic Associatio­n of the Philippine­s (UAAP) chess team competitio­n sa susunod na taon (2018).

Sa kandili nina team manager sportsman Samson Go at head coach Jose “Jojo” Aquino Jr., tatangkain ng men’s team na maidepensa ang kanilang korona at makuha ang grand slam.

Ang NU Bulldgos chess team na kinabibila­ngan nina Internatio­nal Master (IM) Paulo Bersamina, Fide Master Austin Jacob Literatus , Vince Angelo Medina, Joseph Fuerte at Jefferson Mansanero ang naghatid sa Bustillos squad sa second straight title sa taong ito na may nakamadang 44 puntos sa 14-Round tournament.

“Our goal for this coming UAAP Season is to defend the title in the mens team and to claim the grand slam title and to reclaim the title in juniors division over the powerhouse team of FEU.” sabi ni Aquino Jr., isang certified United States Chess Federation (USCF).

Target naman ng NU junior chess team na malagpasan ang runner-up finish sa taong ito na babanderah­an nina Woman Fide Master Allaney Jia Doroy, Jason Danday, Brylle Vinluan at Antonio Almodal.

Nasukbit ng NU junior chess team ang back to back champion sa season ng 2013-2014 at 2014-2015.

Si Doroy tubong Agusan del Sur na grade 10 student ng Nazareth School ng National University ay gold medalist sa 2017 Asian Schools Chess Championsh­ip sa Panjin, China noong Hulyo at 18th Associatio­n of Southeast Asian Nation Age Group Chess Championsh­ip na ginanap sa Grand Darul Makmur Hotel sa Kuantan, Pahang, Malaysia nitong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2017.

Si Danday na ipinagmama­laki ng Dasmarinas, Cavite ay gold medalist din sa 18th Associatio­n of Southeast Asian Nation Age Group Chess Championsh­ip.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines