Balita

Pido out, Tim in sa Uste

- Marivic Awitan

POSIBLENG maging bahagi ng koponan ng De La Salle University ang PBA most winningest coach na si Tim Cone ngayong napabalita­ng hindi na babalik sa susunod na season si coach Aldin Ayo sa paglipat nito sa University of Santo Tomas.

Ayon sa ilang sources , napipisil si Cone para maging coaching consultant ng La Salle habang ang kanyang lead deputy sa Ginebra na si Richard Del Rosario ang magiging head coach ng Green Archers.

Nauna ng umugong ang pangalan ni Cone na papalit kay Ayo kasunod ng napabalita­ng walang kasiguruha­n kung magpapatul­oy ito bilang head coach ng Archers.

Ngunit, hindi naman pinapahint­ulutan sa PBA rules na makapag coach sa ibang liga ang isang head coach sa liga.

Kaugnay nito, sinabi din ng source na nagpaalam na si Ayo sa La Salle para lumipat sa UST na ikinabigla naman ng mga opisyal ng Taft-based school.

Hindi pa malinaw at wala pang kumpirmasy­on mula kay Ayo ang paglipat niya sa UST na maaari ring maging dahilan ng ‘rigodon’ sa kanyang mga recruit sa hanay ng Green Archers sa UST.

Pansamanta­la ayon pa sa source na mauupong interim coach ng Archers ang assistant ni Ayo na si Louie Gonzales.

Marami ang nagtutulak sa UST – kulelat sa nakalipas na season tangan ang 1-13 karta – na kunin muli ang serbisyon ni Pido Jarencio, gayundin ang ilang mga dating Tigers stalwarts na sina Estong Ballestero­s at Bal David.

 ??  ?? CONE: Consultant sa DLSU basketball.
CONE: Consultant sa DLSU basketball.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines