Balita

Pagpupursi­ge ang naging susi sa pagkapanal­o ng Pinoy sa global science video contest

- PNA

KAMAKAILAN

ay nagkampeon si Hillary Diane Andales, estudyante ng Grade 12 sa Philippine Science High School (PSHS)-Eastern Visayas sa Palo, Leyte, sa 3rd Breakthrou­gh Junior Challenge, isang taunang global science video competitio­n.

Tinalo ng 18-anyos ang 11,000 kabataang estudyante mula sa 178 bansa, at nagkamit ng P20 milyon premyo.

Ginawa ang tanyag na vote contest sa Breakthrou­gh Facebook page simula Oktubre 23 hanggang Nobyembre 2 ngayong taon, at ang may pinakamara­ming boto ang pasok sa final round.

Para kay Hillary, ang kanyang pagtitiyag­a at ambisyon ang dahilan kung bakit siya nanalo sa kumpetisyo­n, na layuning himukin ang malikhaing pag-aaral sa pangunahin­g konsepto ng life sciences, physics at mathematic­s.

Hindi na bago si Hillary sa kumpetisyo­n dahil lumahok din siya sa parehong paligsahan noong nakaraang taon at tumapos sa ikatlong puwesto.

“I was determined to try again,” sabi ni Hillary, at inamin na gumugol siya ng halos isang taon sa pag-iisip ng konsepto ng susunod niyang video entry at bilang paghahanda, nanood siya ng maraming video sa YouTube upang makakalap ng mga ideya.

Para ngayong 2017, ipinaliwan­ag ni Hillary sa kanyang tatlong-minutong video entry, ang siyentipik­ong konsepto ng Relativity and Equivalenc­e of Reference Frames, sa paraang pinakamada­ling maiintindi­han ng masa o ng mga hindi interesado sa siyensiya.

“We could compare it to two individual­s’ observatio­n or opposite perception­s. For example, the numbers 6 and 9. One could see it as number 6 while the other person could see it as number 9. Nobody could actually tell if that is really 6 or 9,” sabi ni Hillary.

“That means, even if two individual­s have different perception­s, both of them could be correct,” dagdag ni Hillary, kasabay ng kanyang simpleng paliwanag tungkol sa teorya ng relativity.

Samantala, pinasalama­tan ni Hillary ang Department of Science and Technology sa suporta sa kanya.

“(The DoST) provided me with the scholarshi­p opportunit­y (in Pisay),” sabi pa ni Hillary.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines