Balita

Petisyon para alisin si Matt Damon sa ‘Oceans 8,’ lumalakas

-

INILAYO ng Oscar- winner na si Matt Damon ang sarili sa kanyang mga kaibigan bunsod ng mga komento niya sa kontrobers­iya sa sexual misconduct sa Hollywood, ngunit sapat na ba ito para patalsikin siya sa isang pelikula?

Isang online petition ang humihiling na tanggalin ang kanyang eksena sa 2018 heist movie na Ocean’s 8 at malapit nang maabot ang target na 17,000 pirma – nilagdaan ng mahigit 16,620 supporters nitong Huwebes.

Sinabi ng mga kritiko na nakakagali­t ang pagsama sa kanya sa pelikula dahil sa estado nito bilang all female reboot ng sikat na franchise, starring Cate Blanchett, Sandra Bullock, Anne Hathaway at Helena Bonham Carter.

Ang petisyon ay panawagan sa Oceans 8 producers na sina George Clooney at Steven

Soderbergh, “to toss Damon’s Oceans 8 cameo where it belongs: on the cutting room floor.”

Ayon sa petisyon, kinunsinti ng aktor ang mga ginawa ni Harvey Weinstein na sumubok maibasura ang ulat ng New

York Times noong 2004 na nagdedetal­ye sa mga pagkakatao­n na ginamit ng Hollywood mogul ang posisyon bilang studio executive para pagsamanta­lahan ang kababaihan.

Itinanggi ni Matt na sinikap niyang ibaon ang istorya at iginiit na wala siyang idea sa mga alegasyon laban kay Weinstein, na tumulong sa pagpapasik­at sa kanya.

Binatikos ang aktor nitong nakaraang linggo, nang sabihin niya sa ABC News na mayroong “spectrum of behavior” at “difference between, you know, patting someone on the butt and rape or child molestatio­n, right?” Ang kanyang long- time friend na si

Ben Affleck, kahati niya sa Oscar for best screenplay sa 1997 movie na Good Will

Hunting at ang kapatid ng aktor na si Casey, ay inakusahan din ng sexual misconduct nitong mga nakaraang buwan.

“This behavior is beyond enabling -- it’s just gross. Matt Damon should not be in this movie,” saad sa petisyon.

“Damon’s inclusion would trivialize the serious nature of the charges against sexual abusers like Weinstein,” at “show massive disrespect” sa kababaihan­g nagsasalit­a ayon dito.

Ang Harvard-educated na si Matt, 47, ay may apat na anak na babae, kabilang ang anak ng kanyang misis sa dating karelasyon nito.

Nakatakdan­g ipalabas ang Ocean’s 8 sa Hunyo 2018 at nagsasalay­say ng planong pagnanakaw sa annual Met Gala ng New York, isa sa hottest tickets sa celebrity universe.

 ??  ?? Matt
Matt

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines