Balita

Buena mano: 11-anyos na-Piccolo

- Ni CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE

Ilang araw bago ang Pasko, isang 11-anyos na lalaki ang unang biktima ng paputok para sa kasalukuya­ng taon, iniulat kahapon ng Department of Health (DoH).

Ayon sa Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 1, naitala ang kaso ng firecracke­r-related injury sa pagitan ng 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 22.

Base sa ulat, isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Pasig City ang naputukan ng Piccolo sa kanang kamay. Kasalukuya­n siyang ginagamot sa Amang Rodriguez Medical Center.

Gayunman, ito ay mas mababa kumpara sa iniulat noong nakaraang taon.

“This is five cases lower than the same time period as last year,” nakasaad sa ulat ng DoH.

Mababasa rin sa report na walang iniulat na fireworks ingestion case at stray bullet injury.

Idinagdag ng DoH na walang iniulat na namatay sa unang araw ng kanilang pagmo-monitor ng firecracke­r-related injuries.

Kamakailan lang, sinabi ni Health Undersecre­tary Gerardo Bayugo na inaasahang bababa ng 50 porsiyento ang bilang ng firecracke­r-related injuries ngayong holiday dahil sa mahigpit na pagpapatup­ad ng nationwide firecracke­rs ban.

“Last year, we recorded a 32 percent reduction in injuries due to rumors that there will be a ban. So this year we see further reduction of 50 percent now that the ban is already in place,” sabi ni Bayugo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines