Balita

Sumita ng maingay nilamog

- Orly L. Barcala

Mistulang mga flying saucer na nagliparan ang mga bote ng patis, toyo at suka nang damputin at ibato ng limang hindi pa nakikilala­ng lalaki sa magkaibiga­n, sa rambulang nangyari sa isang lugawan sa Valenzuela City kamakalawa.

Isinugod sa Valenzuela Emergency Hospital ang mga biktima na sina Alfredo Dogma, 34, ng No. 125 Barangay Pasolo; at Jomari Garcia, 18, ng No. 137 Pacheco Compound, Bgy. Pasolo ng nasabing lungsod.

Kapwa sila nagtamo ng malalim na sugat sa ulo at katawan dahil sa gulpi at tama ng bote.

Sa imbestigas­yon ni SPO1 Edwin Mapula, ng Station Investigat­ion Unit (S1U), pumasok ang magkaibiga­n sa isang lugawan sa Bgy. Pasolo, dakong 12:30 ng madaling araw.

Makalipas ang ilang sandali, pumasok naman ang limang lalaki at umorder ng lugaw.

“Mga lasing daw ‘yung mga suspek, tapos naging maingay at sinaway ng mga biktima,” kwento ni SPO1 Mapula.

Minasama ng mga suspek ang pagsita hanggang sa nauwi sa mainitang diskusyon.

Dito na ginulpi ng lima ang magkaibiga­n at hindi pa nasiyahan, dinampot ng mga ito ang mga bote ng suka, patis at toyo at pinagbabat­o ang mga biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek at sumakay sa kotse (AKA5277) at humarurot patungong G. Lazaro Street, Bgy. Dalandanan.

Inaalam na ang pagkakakil­anlan ng mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines