Balita

‘Rev gov’ — dapat ba natin itong ikabahala?

-

NANGsabihi­n ni Pangulong Duterte sa isang news conference nitong Nobyembre 10, sa APEC Summit sa Vietnam, na hindi na siya magdedekla­ra ng pamahalaan­g rebolusyon­aryo para sa Pilipinas dahil kontra rito ang militar, ikinatuwa ito ng marami na nangangamb­a sa magiging epekto ng nasabing uri ng gobyerno sa ating mga demokratik­ong institusyo­n.

Gayunman, sa kanyang pagbabalik sa Davao City nitong Nobyembre 19 ay binigyangd­iin ng Pangulo na “if things go out of control and government is weakened” at tatangkain ng kanyang mga kritiko na patalsikin siya sa puwesto, hindi siya mangingimi­ng magdeklara ng pamahalang rebolusyon­aryo. Hindi batas militar, aniya, dahil masyadong nililimita­han ng Konstitusy­on ang batas militar.

Gaya ng inaasahan, umani ng mga kritikal na komento at pagpapahay­ag ng pangamba mula sa iba’t ibang sektor ang huling pahayag na ito ng Presidente. “There is no legal basis for the declaratio­n of a revolution­ary government. The institutio­ns continue to be working, although there might be some attempts to downgrade their capabiliti­es,” sabi ni Integrated Bar of the Philippine­s President Abdiel Fajardo. Magiging isa itong “feeble excuse” para sa pamumunong authoritar­ian, sabi naman ni Albay Rep. Edcel Lagman. “Justice, human rights, and the rule of law are being mocked,” komento naman ni Human Rights Commission­er Roberto Cadiz.

Gayunman, naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na hindi seryoso ang Pangulo sa naging banta nitong magdedekla­ra ng pamahalaan­g rebolusyon­aryo. Dagdag pa ni Secretary of Foreign Affairs Alan Peter Cayetano: “Take him seriously always on his objective, but do not take literally his solution.” Para naman sa political analyst na si Ramon Casiple, ang pagbanggit ng Presidente tungkol sa pamahalaan­g rebolusyon­aryo ay isang “propaganda war.”

Nitong Nobyembre 21, muling nagsalita ang Pangulo tungkol sa usapin nang bumisita siya sa mga sugatang sundalo sa Army General Hospital sa Taguig City. “Ang sabi nilang revolution­ary government, coup d’etat, huwag ninyong intindihin ‘yan, malayo ‘,” aniya.

At ‘yan ang huling kabanata sa serye ng pagpapahay­ag ng opinyon ng Pangulo tungkol sa usapin. Ang mga nakakakila­la sa kanya, gaya nina Senator Lacson at Secretary Cayetano, at nagbigay na ng katiyahan na wala tayong dapat na ipangamba. Na ipinahahay­ag lamang ng Presidente ang determinas­yon nitong isakatupar­an ang mga plano nito para sa bayan nang walang hadlang. Mas mainam naman kung mismong sa Pangulo magmumula ang pagbibigay-katiyakang ito, isang pinal na deklarasyo­n na hindi na bibigyan ng iba pang kahulugan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines