Balita

Police asset binistay ng ‘nainggit’ na kabaro

- Mary Ann Santiago

Dahil umano sa inggit, patay ang isang lalaki na sinasabing paboritong asset ng mga pulis nang pagtulunga­ng barilin ng mga kapwa niya police asset sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Isang tama ng bala sa ulo at lima sa katawan ang ikinasawi ni Demetrio Sahagun, 40, ng 1879 F. Varona Street, Tondo. Pinaghahan­ap naman ng awtoridad ang mga suspek na sina John Marvin Gonzales, JR Nicolas, at Joey Almin.

Sa closed-circuit television (CCTV) footage ng Barangay 86, Zone 7, na nasa pag-iingat ng Manila Police District (MPD), naganap ang krimen sa Francisco St., sa Tondo, dakong 6:15 ng gabi.

Una rito, pinuntahan umano ni Sahagun si Gonzales sa bahay nito dahil hinahanap ito ng mga pulis, na pinagkakau­tangan niya ng malaki, ngunit hindi sila nagkita dahil pinuntahan naman siya ng mga suspek sa kanilang tahanan.

Binalaan pa umano ng ina ni Gonzales si Sahagun na huwag nang hanapin ang kanyang anak dahil “bibirahin” lamang siya nito.

Gayunman, habang naguusap ang dalawa ay bigla na umanong dumating ang mga suspek at pinaputuka­n ni Nicolas si Sahagun.

Tumakbo naman si Sahagun ngunit hinabol siya nina Gonzales at Almin.

Tinangkang magtago ng biktima sa isang eskinita, ngunit nakorner siya ng mga suspek at pinagbabar­il bago nagsitakas sakay sa isang motor.

Isinugod ng mga tauhan ng Pritil PCP ng MPD-Station 1 ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ngunit binawian ng buhay makalipas ang tatlong oras.

Sa inisyal na imbestigas­yon, lumilitaw na pawang police asset ang biktima at mga suspek, at sinasabing nakakaingg­itan ang una dahil sa mas malapit sa mga pulis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines