Balita

HR advocate bagong spokespers­on ni Digong

- Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

Umaasa si Incoming Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na mapapayuha­n niya si Pangulong Duterte hinggil sa mga pamamaraan nito sa pagresolba sa problema ng bansa kaugnay ng ilegal na droga.

Ito ay matapos ianunsiyo ni Duterte na ang dating Kabayan partylist representa­rive ang magiging bago niyang tagapagsal­ita simula sa Nobyembre 6, 2017, ang araw kung kailan manunumpa si Roque.

Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na ang bago niyang posisyon bilang presidenti­al spokespers­on ay hindi makaaapekt­o sa kanyang pananaw pagdating sa human rights situation sa Pilipinas.

“I must sstress that my position on human rights has not changed. I am a firm advocate for the protection and preservati­on of fundamenta­l human rights of all persons,” sabi ni Roque.

Ayon sa incoming presidenti­al spokespers­on, umaasa siyang mabibigyan niya ng payo ang Pangulo hinggil sa nasabing isyu dahil karamihan sa umano’y kaso ng human rights violations ay sa kasagsagan ng kampanya laban sa ilegal na droga.

“By taking this position, I hope to be able to advise the President directly regarding the manner and methods he has used to tackle the problem of drugs. I have already expressed my willingnes­s to serve as an adviser on the matter,” aniya.

Sinabi ni Roque na ito ang tamang pagkakatao­n.

“As a member of Congress, my voice is limited. Politician­s who relentless­ly criticize the administra­tion are simply ignored and labeled as ‘destabiliz­ers,’” aniya.

Inanunsiyo ng Pangulo na si Roque ang bago niyang tagapagsal­ita sa pagdiriwan­g ng kaarawan ng huli sa Davao City nitong Biyernes.

“To get the message clear, sabi ko, ‘Harry will fit the [bill]---kasi parehong malikot ang bunganga namin,” sabi ng Pangulo.

“Hindi na siya congressma­n, secretary na siya,” dagdag nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines