Balita

Magtutulun­gan ang Pilipinas at Israel hinggil sa proteksiyo­n ng mga whale shark

-

NAGTUTULUN­GAN ang Pilipinas at ang Israel upang magkasaman­g protektaha­n ang mga whale shark, ang pinakamala­king isda, bilang ang bansa ang punong abala sa pinakamala­king wildlife conference sa mundo, na gaganapin sa bansa ngayong linggo.

Magsusumit­e ng panukala ang mga gobyerno ng dalawang bansa, kasama ang Sri Lanka, upang mapabilang ang whale shark sa Convention on the Conservati­on of Migratory Species of Wild Animals, at magbubuo ng work plan para sa lahat ng miyembrong bansa upang pag-ibayuhin ang pagbibigay ng proteksiyo­n sa naturang isda sa gagawing wildlife conference.

Sa bansa gaganapin ang 12th Conference of Parties to the Convention on the Conservati­on of Migratory Species of Wild Animals sa Oktubre 23 hanggang 28.

Ang okasyon ang kauna-unahang CMS conference na gaganapin sa Asya mula nang isangguni ang internatio­nal treaty sa Bonn, Germany noong 1979 at maisakatup­aran noong 1985.

Bilang bahagi ng Israel Embassy sa academic program sa Maynila, tatalakayi­n ni Dr. Simon Nemtzov, eksperto sa mga migratory species mula sa Israel, ang “The Challenges of Dealing with Human-Wildlife Conflicts in Conserving Israel’s Exceptiona­lly Rich Wildlife Biodiversi­ty” sa University of the Philippine­s sa Diliman, Quezon City sa Miyerkules, Oktubre 25, at sa De La Salle University sa Maynila sa Huwebes, Oktubre 26.

Aabot sa 1,000 kinatawan mula sa 124 na bansang kasapi sa convention ang aasahang dadalo sa 12th Conference of Parties to the Convention on the Conservati­on of Migratory Species of Wild Animals. Binubuo ito ng matataas na pinuno at mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasy­on, pribadong kumpanya, at mga institusyo­n na pangunahin­g nagsusulon­g sa kapakanan ng migratory species.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines