Balita

Aguirre sa mga nag-hazing kay Atio: LUMANTAD NA KAYO!

- Jeffrey G. Damicog at Charina Clarisse Echaluce

Ang sinumang nakasaksi sa fraternity initiation rites na ikinamatay ng 22- anyos na University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio “Atio” Castillo III, ay may dugo sa kanilang mga kamay.

Ito ang paalala ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II nang muling manawagan sa mga taong naroon na lumantad at magsalita.

“To those who know anything about what happened to Horacio Castillo III, if you were there when it happened, then you have blood in your hands,” base sa kanyang pahayag na inisyu kahapon.

Dahil dito, sinabi ni Aguirre na “time to wash it with truth and justice for Atio.”

Ipinagdiin­an ni Aguirre na walang magandang idudulot kung patuloy silang magtatago at mananatili­ng tikom tungkol sa nangyari.

“Running from the truth is like being locked up in a jail with no bars,” ayon sa Secretary.

“By your silence, you have already imprisoned yourself,” diin ni Aguirre. RALPH TRANGIA NASA CHICAGO Nilinaw ng Taipei officials si Ralph Cabales Trangia, isa sa mga suspek sa pagpatay kay Castillo, ay wala sa Taiwan.

Sa isang pahayag na ipinadala sa press, nilinaw ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO) na si Trangia “did not enter Taiwan.”

“This is to clarify that, after checking our relevant records, Mr. Ralph Cabales Trangia, the Filipino suspect in the UST hazing death of the UST law student Mr. Horacio Castillo III, did not enter Taiwan,” sabi ng TECO.

Sa halip, si Trangia ay nasa Chicago, USA.

“Istead, he went to Chicago, USA via Taoyuan Internatio­nal Airport by BR56 on September 19, 2017,” paglilinaw ng TECO. AMA NI RALPH ‘DI ISASAMA SA LOOKOUT BULLETIN Posibleng hindi na isama ni Aguirre sa Immigratio­n Lookout Bulletin Order (ILBO) ang ama ni Trangia, si Antonio Trangia.

Matapos makalabas ng bansa ng nakababata­ng Trangia bago pa man isama sa ILBO, si Antonio, na miyembro rin ng nasabing fraternity, ay hindi kasama sa lookout bulletin.

“Dun lang sa son ang ILBO,” sinabi kahapon ni Aguirre.

“MPD would not consider the father as a person of interest,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines