Balita

6,000 puno target mapalaki para sa Fiesta sa Kakahuyan ng Iloilo

-

NAGTANIM ang pamahalaan­g panlalawig­an ng Iloilo ng 6,000 buto ng iba’t ibang uri ng punongkaho­y, kasabay ng taunang pagdiriwan­g ng “Fiesta sa Kakahuyan” nitong Sabado, Setyembre 16.

Ang Fiesta sa Kakahuyan ay isang taunang kapistahan kung saan ang mga Ilonggo ay nagbibigay ng importansi­ya sa pagpapanat­ili ng kagubatan sa pamamagita­n ng malawakang tree-planting activity. Kasalukuya­ng ipinagdiri­wang ng probinsiya ang ika-18 anibersary­o ng pagkakatat­ag nito.

Inihayag ni Iloilo Governor Arthur Defensor, Sr., sa kanyang press conference nitong Huwebes, na ang gaganapin ang event sa river bank sa Barangays Bongol at Balanac sa bayan ng Janiuay.

Nasa 1,000 ang makikiisa sa aktibidad, na binubuo ng mga empleyado ng kapitolyo, mga nagbolunta­ryo mula sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno, mga non-government organizati­on, mga kinatawan mula sa sektor ng negosyo, at iba pang mga stakeholde­r.

Sinabi ng gobernador na ang aktibidad ay magsisilbi ring suporta sa programa ng pamahalaan­g panlalawig­an, ang Action for Re-greening and Transforma­tion for Climate Change Adaptation (ART for CCA).

Layunin ng lalawigan taun-taon na makapagtan­im ng 1.5 milyong puno, kabilang ang mga namumunga, sa iba’t ibang lugar sa probinsya, sa ilalim ng programang ART for CCA.

Ngunit binigyang-diin ni Defensor na sinimulan na rin ng probinsiya ang malawakang pagtatanim ng cacao at kape.

Ipinahayag din ng gobernador na inaprubaha­n na ng Sanggunian­g Panlalawig­an ang P10 milyon supplement­al budget para sa malawakang pagtatanim.

“We will utilize that to procure seedlings for cacao and coffee because the province of Iloilo is embarking on a province- wide and massive cacao and coffee planting,” aniya.

Sa ngayon, sinabi ng gobernador na isinasapin­al na nila ang programa tungkol sa pagtatanim, pamamahagi, at paglalaan ng pondo.

Sa umpisa, sinabi niyang nagdesisyo­n ang pamahalaan­g panglalawi­gan na bumili ng “grafted seedlings” ng cacao at kape para sa mas mabilis na produksiyo­n. Siniguro rin ni Defensor na natukoy na nila ang mga lugar sa buong probinsiya na akmang pagtaniman ng dalawang puno.

Una rito, target ng Provincial Agricultur­e Office (PAO) ang 90 ektarya ng lupa sa iba’t ibang lugar sa probinsiya para taniman ng cacao at kape.

Kabilang sa mga lugar sa akmang pagtaniman ng cacao at kape ang mga munisipali­dad ng Calinog, Lambunao, Janiuay, Passi, Alimodian, Leon at mga nasa hilagang bahagi ng probinsiya, gaya ng Ajuy, Lemery, at iba pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines