Balita

Trillanes vs Duterte

- Bert de Guzman

SAnaniniwa­la kayo o hindi kay Sen. Antonio Trillanes IV na kung tawagin ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ay Sen. Trilliling, dapat ay bigyan siya ng kredito at pagkilala sa panahon ngayong halos lahat ng senador, kongresist­a at mga pinuno ng iba’t ibang sangay ng gobyerno ay parang natatakot na magsalita o kumontra sa Duterte administra­tion. Hindi ba si ex-Sen. Miriam DefensorSa­ntiago noon ay tinawag namang “Brenda” subalit isa siyang matapang at makulay na mambabatas na pumupuna sa mga kamalian ng administra­syon.

Tanging si Trillanes lang yata, bukod kay Sen. Risa Hontiveros, ang tumitindig at nagpapahay­ag ng kanilang pagsalunga­t sa mga isyu at adbokasiya na isinusulon­g ni Mano Digong, partikular ang giyera sa droga, extrajudic­ial killings, human rights violations, independen­t foreign policy, pakikipagk­aibigan sa China kahit inookupa ang mga reef at shoal natin sa West Philippine Sea. Nagalit nga si PDU30 kay Sen. Risa nang mapaiyak niya si Gen. Bato sa Senado nang sabihin niyang parang polisiya ng PNP ang pagpatay sa mga pinaghihin­alaang pusher at user, kabilang ang mga kabataang napatay.

Maging sina Sen. Richard Gordon at Sen. Panfilo Lacson ay medyo nag-aatubili na hayagang salungatin si PRRD, lalo na sa isyu ng drug smuggling sa Bureau of Customs (BoC). Si Gordon ang chairman ng Blue Ribbon Committee samantalan­g si Lacson ang chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

Napapansin ng taumbayan na sa ano mang pagdinig sa Kongreso, basta nabanggit ang pangalan ng isang tao o opisyal kaugnay ng imbestigas­yon, kaagad ay may mosyon na ipatawag siya at paharapin sa pagdinig. Hindi ito ginawa ni Gordon nang unang magmosyon si Trillanes na ipatawag sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at presidenti­al son-in-law na si Atty. Mans Carpio dahil sila ay isinasangk­ot sa Davao Group.

Dakong huli, ipinatawag din ni Gordon si Polong at Mans matapos nilang magkainita­n ni Trillanes bunsod ng akusasyon ni Trillanes na si Gordon ay “nag-aabugado” (lawyering) kina VM Duterte at Mans, asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte. Ipinaghara­p ng kaso sa Ethics Committee si Trillanes dahil umano sa unparliame­ntarily remarks laban kay Gordon.

Nagbanta si Pres. Rody na dudurugin o wawasakin niya si Sen. Trillanes dahil sa walang puknat na paninira laban sa kanya at pamilya. Sa banner story ng isang English broadsheet: “I destroy Trillanes, or he destroys me.” Ganito rin ang banta niya noon kay Sen. Leila de Lima na ngayon ay nakakulong sa Camp Crame dahil sa kasong illegal drug trade.

Inimbestig­ahan ni De Lima noong siya pa ang chairperso­n ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagkakasan­gkot ni PDU30 sa Davao Death Squad (DDS) nang siya ang alkalde ng siyudad. Hindi ito nakalimuta­n ni Mano Digong hanggang sa siya ay maging presidente. Lalong sumiklab ang galit ng Pangulo nang iutos ni De Lima ang Senate investigat­ion hinggil sa sunud-sunod na pagpatay kaugnay ng drug war ni PRRD.

Si De Lima ang chairperso­n noon ng Senate committee on justice na nagpapaimb­estiga sa maramihang pagpatay sa pinaghihin­alaang pushers at users araw-araw. May 8 hanggang 10 tao ang napapatay ng mga tauhan ni Gen. Bato sa Oplan Tokhang. Inakusahan ni PRRD ang senador sa pagkakaroo­n ng illicit affair sa kanyang driver-bodyguard, pagtanggap ng suhol mula mga drug lord at paglaganp ng narcotics o bawal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP) na nasa ilalim ng DoJ na hawak ni De Lima.

Nagbanta si PRRD na wawasakin niya si De Lima. Nagkatotoo ito...

Mula sa pahina 7 at ngayon ay nakabilang­go ang may “balls” na senadora. Ngayon naman ay may banta siya kay Trillanes. Magkakatot­oo rin kaya ito? Anyway, handa si Trillanes na lumagda sa isang bank waiver upang pabulaanan ang akusasyon ni Mano Digong na marami siyang bank accounts sa ibang bansa. Sa kabilang dako, hinihintay naman niyang mag- isyu rin ng waiver ang Pangulo upang buksan ang mga deposito nito na nagkakahal­aga umano ng bilyun-bilyong piso.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines