Balita

Pagtiyak na may sapat na pondo ang mga drug rehabilita­tion center ng gobyerno

- PNA

AABOTsa R2.31 bilyon ang pondo ng Department of Health ( DoH) para sa mga drug abuse center ng gobyerno sa loob ng isang taon, sa ilalim ng panukalang pambansang budget para sa taong 2018, sinabi kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Kahit na ang ipinanukal­ang gross budget ng DoH sa 2018 ay R164.8 bilyon, na siyam na porsiyento­ng mas mataas kaysa R151.3 bilyon na pondo para ngayong taon, sinabi ni Recto na ang pondo para sa mga rehabilita­tion facility ng DoH ay aabot lamang sa

R759.6 milyon mula sa kasalukuya­ng R3.08 bilyon. “If drug addiction is a disease, is this budgetary prescripti­on from our health official the right one?” ani Recto.

“The word from the DoH is that private donations will make up for the difference. If that is the case, DoH should submit a listing of where the replacemen­t funds would come from because that is too big a vacuum to fill,” dagdag pa niya.

Inihayag ni Recto na ang kanyang paliwanag na hindi pa opisyal ay tinatawag na “mega rehab center”, na itatayo ng mga pribadong donor.

“Fine. But what about the manning of those center? The training of personnel? Are the funds sought enough?” lahad pa ni Recto.

Ayon sa mga report, ang itinatayon­g limang regional drug treatment at rehabilita­tion center sa Taguig City at sa mga probinsiya ng Isabela, Mountain Province, Palawan, at Zamboanga ay pawang pinondohan ng mga pribadong donor.

Ang mababawas na R759.6 milyon budget para sa 2018 ay gagamitin upang pangasiwaa­n ang 14 na drug abuse treatment center, isa sa mga ito ang bubuksan sa isang taon at susuporta sa operasyon ng mega rehab center, na itinayo ng isang Chinese tycoon sa Nueva Ecija.

“Is that money enough for the DoH hospitals with drug rehabilita­tion programs? Will it be enough to support community- level abatement programs?” aniya.

Binanggit pa niyang ang kawalan ng rehabilita­tion center ay daan upang mapababa ang “declared government policy” na tulungang magbagong- buhay ang mga naabuso ng ilegal na droga.

“The existing policy is still ‘ save the users’ and not ‘ salvage the users.’ For as long as that policy remains, then government is duty- bound to help those who have volunteere­d for treatment by providing a new path to a better life for them,” dagdag pa ni Recto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines