Balita

John Lloyd at Joshua, gustong pagsamahin sa pelikula

-

direktor, so ‘yun lagi talaga ang struggle ng isang direktor. Wala naman akong nakita pang mas malaking problema ro’n. ‘ Yung talent fee naman kung ano ‘yung napagusapa­n at pumayag ka ro’n, ke maliit ‘yun at pumayag ka, wala ka nang magagawa,” kuwento ni Direk Jun.

Sino sa limang direktor na mina-manage nila ay may pinakamata­as na talent fee? Idinaan ba ito sa seniority o kung sino ang may box-office hit na pelikula?

“I guess seniority para fair, ang mga maraming pelikula na kasi diyan si Prime, pang- apat na ni Prime ang Debutantes (ipalalabas pa lang ng Regal Films), pangatlo pa lang ni Sigrid ang Kita Kita, ‘tapos may gagawin pa si Prime sa Viva, so that would be five (movies),” sagot ni Direk Perci.

Pero sa limang direktor, kay Sigrid nakatutok si Perci dahil, “Ako kasi ang nagopen na magkaroon ng manager kaya mas madalas kaming magkasama. Saka ako kasi ‘yung sa business side, so ako ‘yung laging pupunta sa Viva o sa Regal.

“Eh, meron siyang mahabang kontrata sa Viva, it’s a multiple picture contract, nonexclusi­ve. Ako ‘yung nag-govern nu’n.

“Ako ‘yung bahala lahat sa contract, ako sa business side pero ‘pag mentoring sa creative, si Jun. So halimbawa may problema sila o anong gagawin sa pelikula nila o project na gustong gawin, si Jun ang takbuhan nila. Ako naman kapag may hindi pa nagbayad o nabayaran sa talent fee, ako na bahala ro’n,” pagtatapat ni Direk Perci.

Ang limang lalaking direktor ay produkto ng scriptwrit­ing workshop ni Jun Lana, kaya tanging si Sigrid lang ang hindi.

“Opisyal na nagkatraba­ho kami ni Sigrid, naging acting coach niya ni Direk Miko sa I Love You to Death. Doon kami nagkatsika­han ng mas matagal. “Natuwa nga ako sa kanya (Sigrid) kasi ang tagal na naming nag-usap tungkol sa management, last June or July last year pa. Wala pang Kita Kita. Pero nag-agree na kami na gagawin na namin ang movie niyang Mr. and Mrs. Cruz even without the management side.

“‘Tapos nabanggit nga na may offer sa kanya na i-manage siya, and sabi niya may kausap na siya. Ako kasi sinabihan ko siya, ‘go on kung ano’ng gusto mo.’ Kaya nakakatuwa na hindi niya nakalimuta­n ‘yun,” kuwento ni Perci.

Co-producer ang IdeaFirst Company sa Star Cinema at Quantum Films ang

Dalawang Mrs. Reyes nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban na si Jun Lana ang direktor at itong Mr. and Mrs. Cruz ay line-produced naman nila sa Viva Films at si Sigrid ang sumulat at magdidirek sina Ryza Cenon at JC Santos ang bida. Nakakalili­to na ang mga titulo, puna namin. “Alam mo nakakatawa, ‘ yan kasi magkaibiga­ng project ‘ yan. Kasi ‘ yung Dalawang Mrs. Reyes, 2008 pa nagawa (nasulat), ‘yung Mr and Mrs. Cruz ginawa nina Sigrid at Omar ( Sortijas) mid-last year, 2016.

“’Yung mga parehong mga title na ‘yan may mga twist pero hindi sila mag-asawa, basta,” natawang sabi ni Perci. “Actually, kami na ang nagsasabi sa Star Cinema at Viva na palitan natin ang title, nag-volunteer na kami ng ibang title, ayaw ng Viva kasi nagandahan sila sa title. Ganu’n din sa Star Cinema, nag-volunteer na si Joji ( Alonso, co-producer) na palitan, ayaw din.

“Alam nila ( Star Cinema at Viva Films) na may mga project na ganu’n, go naman sila. O, di go, malay naman natin baka mauso, baka susunod, Santos na ang pangalan, ha-ha-ha.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines