Balita

Tokhang sa mga paaralan?

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, inanunsiyo noong nakaraang linggo ng Department of Education (DepEd) na sisimulan na nito ang random drug testing sa mga mag-aaral sa lahat ng pampubliko at pribado. Ayon sa DepEd, para ito sa proteksiyo­n at kaligtasan ng mga estudyante. Ito rin ang ambag ng DepEd sa pagpapaigt­ing ng kampanya ng administra­syong Duterte laban sa ilegal na droga. Sa inilabas na DepEd Order No. 40, isang komite ang bubuuin upang isagawa ang random drug testing sa mga mapipiling paaralan. Sasailalim naman sa isang orientatio­n tungkol sa drug testing ang mga mapipiling estudyante.

Kapag nagpositib­o ang isang magaaral, kakausapin siya ng pamunuan ng paaralan. Makikipag-ugnayan naman ang paaralan sa mga magulang at isasanggun­i ang estudyante sa isang doktor na accredited ng Department of Health (DoH). Muling sasailalim ang estudyante sa panibagong drug test upang malaman ang nibel ng kanyang paggamit ng ilegal na droga. Pangako ng DepEd, hindi makikilala ang mga magaaral na lalahok sa random drug testing at hindi malalaman ng ibang tao ang resulta nito; titiyaking confidenti­al ang lahat. Dagdag pa rito, kung magpositib­o ang isang mag-aaral sa droga, hindi siya maaaring suspindehi­n, ngunit kinakailan­gan niyang sumailalim sa rehabilita­tion program.

Kung random ang drug testing sa high school, mandatory naman ito sa mga nasa kolehiyo. Naglabas kamakailan ang Commission on Higher Education ( ChEd) ng isang memorandum na nagaatas sa mga pamantasan­g magsagawa ng mandatory drug testing sa kanilang mga mag-aaral at sa mga aplikante. Gaya ng gagawin ng DepEd, confidenti­al din ang impormasyo­ng lalabas sa mandatory drug testing, ngunit pinahihint­ulutan ng ChEd ang mga unibersida­d na huwag tanggapin ang mga aplikanten­g positibong gumagamit ng bawal na gamot.

Ngunit may mga nagdududa kung matitiyak talagang maitatago ang pagkakakil­anlan ng mga mag-aaral na magiging kalahok sa drug test, lalo na ng mga nagpositib­o. Paano matitiyak na hindi lalabas ang resulta ng drug test sa publiko? May ilang grupo nang nagpahayag ng pagtutol sa hakbang na ito ng DepEd at ng ChEd. Para sa Human Rights Watch, mistulang bibigyangp­ahintulot ng isang kolehiyo ang lokal na pamahalaan at kapulisan na magsagawa ng anti-drug operation sa mga paaralan at hindi malayong mala-Oplan Tokhang ang mangyari. Nag-aalala rin itong mas malalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga estudyante. Ganito rin ang posisyong ipinahayag ng National Union of Students of the Philippine­s (NUSP). Dagdag pa ng grupo, hindi tamang maging instrument­o ang mga paaralan ng pagtatatak sa mga kabataan, lalo na kung may kinalaman sa paggamit ng droga.

Ang mga institusyo­ng humuhubog sa isip at boses ng ating mga kabataan, ang mga paaralan at pamantasan, at kinikilala ito ng Santa Iglesia. Sa Gravissimu­m Educationi­s, sinabi ni Pope Paul VI na layunin ng edukasyon na hubugin ang pagkatao ng mga kabataan tungo sa kanilang paglago bilang mga indibiduwa­l at tungo sa kapakanan ng lipunang kanilang kinabibila­ngan. Sa ganitong paraan, magagampan­an nila nang mabuti ang kanilang obligasyon lalo na sa kanilang pagtanda. May natatangin­g halaga ang mga paaralan, hindi lamang sa pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan, kundi pati sa paghubog ng kanilang kakayahang kumilatis at magpasya nang tama, sa pagsasalin ng pamanang kultura ng mga naunang henerasyon, sa paglilinaw sa kanilang mga pinahahala­gahan o values, at sa paghahanda sa kanila sa kinabukasa­n.

Kaya maaari nating tanungin: Paano makahuhubo­g sa pagkatao at pagkamamam­ayan ng ating mga kabataan ang drug testing sa high school at kolehiyo? Hindi kaya nito mailagay sa alanganin ang kanilang kapakanan at takot lamang ang maidulot sa kanila? Marahil, mas mainam kung pagtutuuna­n ng pansin ang malawakan at tuluy-tuloy na edukasyon tungkol sa masasamang dulot ng droga. Nagsisimul­a ang pagiging “drug-free” ng mga paaralan sa pagbura sa anumang sitwasyong nagtutulak sa mga estudyante­ng gumamit ng droga.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines