Balita

Hihirit ang NAASCU

- Ni EDWIN ROLLON

Laro sa Aug. 17 (Cuneta Astrodome) 8 n.u. -- CdSL vs MLQU 10 n.u. -- OLFU vs DLSAU 12 n.t. -- Opening ceremony 2 n.h. -- St. Clare vs PCU 4 n.h. -- AMA vs CUP

MAS pinalakas at mas pinatibay na samahan ang sentro ng pagbubukas ng ika17 season ng National Athletic Associatio­n of Schools, Colleges and Universiti­es (NAASCU) sa Huwebes (Agosto 17) tampok ang four-game bill sa men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“New innovation and action-packed matches are in the offing as we celebrates NAASCU’s prime season. We consider this season the league’s prime year as we open our 17th season on the 17th day of August in year 2017,” pahayag ni league president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan.

“Bilang panimula, napakiusap­an din naming sa wakas si PBA legend Pido Jarencio na maging commission­er ng ating liga,” aniya.

Sisimulan ng St. Clare College-Caloocan ang pagdepensa sa korona laban sa matikas na Philippine Christian University, pinanganga­siwaan ng beterano at itinuturin­g alamat sa college basketball coaching na si Ato Tolentino, sa tampok na laro ganap na 2 n.h.

Mapapalaba­n din ang Colegio de San Lorenzo kontra Manuel Luis Quezon University ganap na 8:00 ng umaga, habang magtutuos ang last year’s runner-up Our Lady of Fatima University kontra De la Salle-Araneta University sa alas-10 ng umaga at AMA University kontra City University ng Pasay sa 4:00 ng hapon.

Gaganapin ang opening ceremony sa alas12 ng tanghali tampok bilang guest speaker sina Basketball Coaches Associatio­n of the Philippine­s (BCAP) president Alfrancis Chua at Globalport team manager Bonnie Tan.

“We’re looking forward to another successful season for the NAASCU,” sambit ni Adalem.

Nagbigay din ng kanilang mensahe sa media conference na ginawa sa PCU Audio Visual room sina Jarencio, dating Ginebra Kings star at miyembro ng Team Philippine­s na huling nagwagi ng ABC title (1985), at PCU president Dr. Junifen Gauuan.

Sa pangunguna ni last year’s MVP Aris Dionisio at nagbabalik na sina Rafael Rebugio at Earvin Mendoza, target ng Saints na maitala ng back-to-back title at ikatlong kampeonato sa kabuuan sa 17 taong kasaysayan ng liga.

“We made the necessary adjustment­s during the off-season. The return of Rebugio and Mendoza this year will also help the team a lot,” pahayag ni Manansala.

Inaasahan niyang magbibigay ng matinding hamon ang Our Lady of Fatima University, ang 2017 MBL Open champion nitong Hunyo; PCU, runner-up sa NAASCU pre-season tilt at ikatlong sa MBL Open; MLQU, AMA University, na sumasabk sa PBA D League; at bagong miyembro na St. Francis of Assisi College.

Ang iba pang koponan ay ang Rizal Technologi­cal University, Enderun Colleges, Philippine Merchant Marine School, De Ocampo Memorial Colleges, New Era University, City University of Pasay, Lyceum of Subic Bay, nagbabalik na Holy Angel University at bagong miyembro na De La Salle-Araneta University.

 ??  ?? PRIME LEAGUE! Ikinasa ang ika-17 season ng NAASCU (National Athletic Associatio­n for Schools, Colleges and Universiti­es) sa ginanap na media launching, sa pangunguna nina league president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan (kanan,...
PRIME LEAGUE! Ikinasa ang ika-17 season ng NAASCU (National Athletic Associatio­n for Schools, Colleges and Universiti­es) sa ginanap na media launching, sa pangunguna nina league president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan (kanan,...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines