Balita

44% ng mga Pinoy, tiwalang giginhawa ang buhay

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Dumami ang mga Pilipino na naniniwala­ng giginhawa ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, batay sa resulta ng second quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) ngayong taon.

Sa nationwide survey na isinagawa nitong Hunyo 23-26 sa 1,200 respondent­s, 44 porsiyento ng mga Pilipino ang umaasang bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan, habang 4% ang nagsabing baka lalo pa silang maghirap, na kumakatawa­n sa net optimism na “excellent” +40.

Mas mataas ang bagong net optimism ng +36 (43% optimistic, 6% pessimisti­c), na inuri ng SWS bilang “very good,” sa first quarter ng 2017.

Binago ng S WS ang klasipikas­yon nito ng net optimism, at nagdagdag ng “excellent” category.

“Up to the previous quarter, ‘very high’ has been the highest category for net personal optimism, net economic optimism and net personal gainers, used when their scores are +30 and up, +10 and up, and +10 and up, respective­ly,” paliwanag ng SWS.

“This was due to the very rare occasions for the said indicators to go as high as the said borderline­s,” dagdag nito.

Ang bagong klasipikas­yon ng SWS para sa net personal optimism ay ang mga sumusunod: hindi bababa sa + 40, excellent; + 30 hanggang + 39, very high; + 20 hanggang + 29, high; + 10 hanggang +19, fair; +1 hanggang +9, mediocre; zero hanggang -9, low; at -10 pababa, very low.

Ang mas mataas na net personal optimism ng mga Pilipino ay iniugnay sa pagtaas ng pag-asa sa lahat ng geographic areas, ang iba pang bahagi ng Luzon (+42 nitong Hunyo mula +37 noong Marso), Metro Manila (+46 mula +43), Mindanao (+37 mula +32), at Visayas (+36 mula +32).

Ipinakita rin sa parehong survey na 39% ng mga Pilipino ang umaasang uunlad ang ekonomiya ng Pilipinas sa susunod na 12 buwan, habang 12% ang naniniwala na lalala pa ito. Katumbas ito ng net economic optimism na + 27, mas mababa kaysa +38 sa first quarter.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines