Balita

80,000 guro at 47,000 silid-aralan target sa bagong DepEd budget

- Merlina Her nandoMalip­ot

Target ng Department of Education (DepEd) na kumuha ng mahigit 80,000 guro at magtayo ng 47,000 bagong silid-aralan sa 2018 upang matiyak ang patuloy na implementa­syon ng K to 12 Basic Education Program.

Sa press briefing sa panukalang 2018 budget ng DepEd, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na layunin ng budget para sa susunod na taon na maibigay ang pangangail­agan sa edukasyon ng mga estudyante sa pampubliko­ng paaralan at maipagkalo­ob ang “inclusive and nurturing learning environmen­t” sa lahat ng magaaral.

Para sa 2018, ang panukalang budget ng DepEd ay P585.22 bilyon. Kung isasama ang Retirement at Life Insurance Premiums (RLIP), ang 2018 proposed budget ng DepEd ay nasa P612.12 bilyon ng National Expenditur­e Program (NEP).

Ang aprubadong budget ng DepEd ngayong 2017 ay P567.1 . bilyon.

Sinabi ni DepEd Undersecre­tary Annalyn Sevilla na mula sa panukalang 2018 budget, kukuha ang Department ng 81,100 guro -- 43, 732 ay ilalagay sa Kinder/ Elementary; 1,944 sa Special Education (SpEd); 35,192 sa Junior High School (JHS) at 232 sa Senior High School (SHS).

Samantala, kabuuang P2.99 bilyon ang ilalaan para sa 46,988 bagong silid-aralan.

Sa kasalukuya­n, pinagsisil­bihan ng DepEd ang tinatayang 27 milyong mag-aaral at inaasahan ang halos 1.3 milyong SHS completers sa pagtatapos ng school year (SY) 2017-2018.

Bukod sa pagkuha ng mga bagong guro at pagtatayo ng mga silid-aralan, sinabi ni Sevilla na ipagpapatu­loy ng panukalang pondo ang pagkakaloo­b ng suporta sa K to 12 Program kabilang ang P38.9 milyon para sa total learning materials, pagpapaila­w sa mga paaralan, pagtayo ng mga laboratory, ICT package, kagamitan sa Tech-Voc, at school-based feeding program.

Ipipresint­a ng DepEd ang panukalang 2018 budget nito sa Kongreso sa susunod na linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines