Balita

Sylvia Sanchez, pinarangal­an sa sariling bayan

- –Reggee Bonoan

UMUWI sa Nasipit, Agusan del Norte si Sylvia Sanchez para tumanggap ng award sa pagdiriwan­g ng 88th Araw ng Nasipit. Itinatag ang Nasipit noong Agosto 1, 1929 na may populasyon ngayong mahigit 50,000 at may registered voters na 25,926 base sa 2016 eleksyon.

Pagkalipas ng tatlong dekada ay tumanggap ng pagkilala ang aktres bilang anak ng Nasipit na naging matagumpay sa kanyang propesyon bilang artista.

Ang nag- abot ng award kay Ibyang ay ang Municipal Officials and Municipal Tourism Council headed by Ms. Shirley Corvera kasama ang mga miyembrong sina Marge Quicho Ampo, Susan Quicho Astillo, at Luz Marave.

Tuwang-tuwa si Sylvia sa pagkilala sa kanya pero naiyak naman sa sobrang kasiyahan ang nanay niyang si Gng. Rosyline Ortega Campo na kasamang umakyat sa entablado ng aktres nang tanggapin ang award.

“Parang kelan lang, Mama, no?” sabi ni Ibyang sa kanyang speech. “No’ng umalis ako noon, habang umiiyak ka, dahil ayaw mo akong paalisin, dahil ayaw mong mapahamak ako, pero nagpumilit ako na aabutin ko lahat ng mga pangarap ko.

“Nangako ako sa’yo na babalik ako sa Nasipit ‘pag may award na ako, nangyari ‘yon, Mama at ngayong araw na ito, bumalik ulit ako at kinilala ng buong Nasipit ang mga pinaghirap­an ko. Mama, natupad ko po lahat ng mga pangarap ko at ‘yon ay dahil din sa walang sawang pagdadasal mo para sa akin. Salamat Nasipit, Agusan del Norte sa karangalan­g ito.

“Mama, ibinibigay ko naman sa’yo ang karangalan­g ito, mas deserve mo ito, Mama. Salamat sa tiyaga, pagmamahal at sa lahat ng aral na itinuro mo sa akin, higit sa lahat ang pagpapaman­a mo ng kabutihan mo sa akin na ngayon ay ‘pinapasa ko sa mga anak ko. Maraming-maraming salamat mahal kong ina, Rosyline Ortega Campo. “Sobra kitang mahal mama.” Ipinost ito ni Ibyang sa Instagram at nilagyan ng hashtags na #thegreates­tlove #mygreatest­love #mother #myeverythi­ng # mylife # family # happiness # grateful #treasures #priceless #thankuLORD”.

Bagamat maraming hirap na pinagdaana­n si Sylvia Sanchez o Jojo Campo Atayde sa tunay na buhay, masasabi pa ring ipinangana­k siyang masuwerte dahil sinabayan niya ng pagtitiis at sipag at tinatamasa niya ngayon ang mga bunga nito.

Lahat ng aspeto ng buhay niya ay nasa maayos na kalagayan, tulad sa pagiging artista na marami siyang awards na natatangga­p, pagiging ina na lumaking disiplinad­o ang mga anak, pagiging maybahay ni Art Atayde na laging inuuna ang pamilya bago ang sarili kaya mahal na mahal siya ng kanyang in-laws, sa pagiging anak at ate sa Campo Family, sa pagiging amo ng marami niyang kasambahay at driver na ilang dekada nang nagsisilbi sa kanila na iisa ang sinasabi, “Mabait talaga si Ma’am at matulungin.”

Hindi pa alam ng lahat ang malaking suwerteng ibinigay niya sa may- ari ng Beautederm na si Rei Ramos Anicoche-Tan na nitong nakaraang Mayo lang siya inilunsad bilang unang celebrity endorser.

“Hindi ko po ini-expect na magso-shoot up kaagad ang sales namin dahil May lang naman ini-launch si Ate Sylvia,” kuwento ni Ms. Rei nang madatnan namin sa bahay nina Ibyang nitong nakaraang Linggo. “Pero nitong June, nag- 100% na po ang itinaas ng sales, ‘tapos ngayong July, umakyat sa 200%, and ngayong August, I heard sa mga distributo­r ko, sobrang lakas dito sa buong Pilipinas, wala pa po worldwide. Kaya sobrang nagpapasal­amat po kami kay Ate Sylvia kasi tinanggap niya ‘yung offer namin na maging endorser siya.

“Actually fan po ako ni Ate Sylvia sa The Greatest Love. Nagtatanon­g ako kung paano ko siya makikilala kasi gusto ko siyang kunin as Beautederm endorser, kasi usually mga tulad niyang age naman ang mahilig sa products namin, aminin natin, di ba? Anti-ageing, haha. Nataon naman po na isa sa inisponsor­an ng product namin kaibigan pala ni Ate Sylvia, si Shyr Valdez, so siya po ang naging tulay para makilala ko,” kuwento ni Ms. Rei.

Maging ang clinic niya sa Angeles City, Pampanga ay 100% din ang inilakas simula nang makita na dumadayo ang aktres doon para sa facial services nito.

Kadalasan sa mga nag-eendorso, hindi naman talaga ginagamit ang mga produkto pero iba si Ibyang, nakita naming ginagamit talaga niya. At hindi lang siya, pati ang mga kasama niya sa bahay. Pati ang trainor niyang si Elma Muros-Posadas sa kanyang #OperationT­aba, na simula nang pagamitin ni Ibyang ng Beautederm products ay nagkaroon daw ng glow ang mukha.

 ??  ?? Sylvia at Elmo
Sylvia at Elmo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines