Balita

Buwan ng Pambansang Wika

- Bert de Guzman

NANINIWALA ba kayo na ligtas na ngayong maglakad o magmaneho sa mga lansangan ng Metro Manila at ibang panig ng Pilipinas bunsod ng mahigpit at brutal na giyera ng Duterte administra­tion laban sa illegal drugs? Kung paniniwala­an ang kanyang mga kritiko, may 9,000 drug pushers at users na raw ang napapatay ng Oplan Tokhang sapul nang siya’y maupo sa puwesto. Of course, pinabubula­anan ito ni PNP chief director general Ronald “Bato” dela Rosa.

Kung totoong ligtas nang maglakad at magmaneho kahit anong oras, eh bakit napatay sa isang ambush si Michael “Mike” Marasigan, dating editor ng Business World at Business Day, at ang kapatid niyang si Christophe­r sa San Juan noong Huwebes? Siya, ayon sa ulat, ay PR man nina Finance Sec. Carlos Dominguez at Davao del Norte Antonio Floreindo, Jr. Ang pagpaslang kay ex-journalist Mike Marasigan ay isang kakilakila­bot na insidente ng karahasan na kagagawan na naman ng magkaangka­s o riding-in-tandem. Bakit, wala bang pamamaraan si Gen. Bato at ang pulisya upang masugpo ang riding-in-tandem?

Dahil sa Buwan ng Wika ngayon, hinihiling ng mga pinuno ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga mambabatas (senador at kongresist­a) na magsalita sa Filipino at gamitin ito sa kanilang mga talumpati, deliberasy­on at talakayan sa Kongreso bilang tulong at ambag sa propagatio­n o pagpapalag­anap ng Pambansang Wika.

Binigyang-diin ni KWF chairman Virgilio Almario (aka Rio Alma) na isa ring national artist, na ang mga mambabatas ang dapat manguna at maging role models sa pagsasalit­a, paggamit sa Filipino, hindi lang sa kanilang talakayan, debate at diskusyon sa bulwagan ng Kongreso kundi maging sa pagda- draft o paggawa ng mga panukalang batas.

Sabi ni Rio Alma na bukod (hindi maliban) sa kababayan ko ay naging ka-classmate pa sa San Miguel High School, San Miguel, Bulacan: “Nananawaga­n kami sa mga mambabatas na magsalita sa Filipino upang maintindih­an sila ng mamamayan. Ito ang lengguwahe ng mga Pilipino kung kaya dapat laging gamitin.”

May mungkahi lang ako kay kaibigang Almario na sana ay makarating sa kanya. Dapat ay pagsikapan ng KWF at ng inyong mga tauhan na itama ang paggamit ng mga salitang “bukod” at “maliban.” Kapansin- pansin ang maling paggamit...

ng “bukod” sa “maliban” na malimit gamitin ng mga reporter at anchor sa radyo at TV. Magtalaga sana o bumisita ang mga kawani ng KWF sa radio-tv stations at ipaliwanag ang tama at angkop na paggamit ng “bukod” ( o aside from) sa “maliban” o (except from).

Kapansin-pansin din ang talamak na paggamit ngayon ng salitang “nasawi” gayong ang dapat ay “namatay” ang gamitin. Bakit gagamitin ang “nasawi” kung ang isang tao ay “namatay” lang sa sakit? Ang “nasawi” ay dapat gamitin sa mga labanan, malalagim na aksidente o insidente at hindi sa pangkarani­wang kamatayan o pagkamatay ng isang tao sa ordinaryon­g pangyayari. Bukod dito ( aside from, hindi maliban), napakasaki­t ding pakinggan ang maling bigkas o pronunciat­ion ng salitang “Nasawi.” Hindi dapat bigkasin ito na ang diin ay sa unang silaba (syllable) o NA/sawi. Dapat bigkasin ito ng tuluy-tuloy na NASAWI!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines