Balita

BoC official na dawit sa ‘tara’, nag-resign

- Betheena Kae Unite

Nagbitiw na sa puwesto kahapon si Bureau of Customs (BoC) Imports Assessment Service Director Milo Maestrecam­po matapos siyang pangalanan sa pagdinig ng Kamara nitong Lunes bilang isa sa mga opisyal ng kawanihan na umano’y sangkot sa kurapsiyon o tumanggap ng “tara”.

Lumiham kahapon si Maestrecam­po kay Pangulong Duterte upang magbitiw sa puwesto at nagpahayag ng kahandaang sumailalim sa imbestigas­yon.

“In order to fight for my honor and integrity and in the name of ‘ delicadeza’, I hereby tender my resignatio­n and submit to investigat­ions in order to clear my name,” saad sa liham ni Maestrecam­po.

Sa pagdinig sa Kamara nitong Lunes tungkol sa P6.4-bilyon shabu shipment mula sa China kaugnay ng akusasyon sa kurapsiyon sa BoC, isa si Maestrecam­po sa mga itinuro ng Customs broker na si Mark Taguba bilang isa sa mga opisyal na tumatangga­p umano ng suhol para sa mas mabilis na paglalabas sa mga kargamento.

Kaagad namang itinanggi ni Maestrecam­po ang paratang. Aniya, “I am a rebel but I’m not a thief.” Idinagdag niyang kaagad siyang magbibitiw sa tungkulin.

Tinawag naman ni Customs Investigat­ion and Intelligen­ce Service (CIIS) Chief Neil Estrella si Taguba na “polluted” witness, matapos na makabilang din siya sa mga pinangalan­an ng huli sa pagtanggap umano ng suhol.

“Puwede ba naman ‘yun na basta na lang magtuturo on televised hearing, tapos wala namang hawak na ebidensiya? It was so unfair. Kahit sinong tao hindi papayag ng ganoon,” ani Estrella.

Bukod kina Maestrecam­po at Estrella, tinukoy din ni Taguba na tumanggap umano ng suhol ang 11 pang indibiduwa­l.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines