Balita

Watanabe, pag-asa ng bayan sa Tokyo Olympics

- Edwin Rollon

MAY bagong aasahan ang sambayanan para sa pinakamimi­thing gintong medalya sa Olympics.

Isama sa dalangin ang Filipino-Japanese judoka na si Kiyomi Watanabe na isasailali­m sa masusing pagsasanay ng Philippine Sports Commission (PSC) para magkwalipi­ka sa 2020 Tokyo Olympics at sa mga susunod pang Summer Games.

Ipinahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na lalagdaan ng ahensiya ang board resolution na magbibigay sa 21-anyos na si Watanabe nang ‘full support’ para sa kanyang paghahanda sa pinakamala­king sports event sa mundo.

Huling nagwagi ang Pilipinas ng silver medal sa 1996 Atlanta Olympics mula kay boxer Mansueto ‘Onyok’ Velasco.

“The PSC is drafting a resolution that will give full supports from training, participat­ion and equipment for Kiyomi for her campaign to qualify for the 2020 Olympics and beyond,” pahayag ni Ramirez.

Nakumbinse ang PSC na suportahan si Watanabe nang makapag-uwi ito ng gintong medalya sa Asian Judo Open sa -63kgs. (middleweig­ht class) kamakailan sa Taipei. Ang Fil-Jap na tubong Cebu ang inang si Irene ang tanging SEA judoka na nagwagi ng medalya sa naturang torneo.

Bago ito, nagwagi rin ang 5-foot-8 judoka ng gintong medalya sa IJF World Judo Tour sa Paris, habang nakasikwat ng silver medal sa European Judo Open sa Austria.

“I’m greatfull with the thrust and confidence the PSC gives to me. I promised to train hard and do my very best to win for the country and qualify for the 2020 Olympics,” pahayag ni Watanabe sa pamamagita­n ng kanyang ina na si Irene.

Iginiit ni Dave Carter, pangulo ng Judo Federation of the Philippine­s, na malaking potensyal si Watanabe na bumitaw sa Japanese Team para magsilbi sa bayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines