Balita

Ara Mina, aminadong walang appeal sa foreigners

- Ni JIMI ESCALA

IPINAGDIDI­INAN

ni Ara Mina na mula nang nagkahiwal­ay sila ng ama ng kanyang anak na si Mayor Patrick Meneses ay hindi siya nakipag- date kaninuman. Ang katwiran niya ay wala pa siyang magustuhan sa mga umaaligid sa kanya.

“Ayokong maghanap, eh. The more na maghanap ka mas wala talaga. I mean, wala ‘yung may spark. Sa totoo lang naman kasi, eh, wala pa talaga akong nagugustuh­an. Kumbaga, wala pa akong nakikitang seryoso.

“Parang sa tingin ko, eh, parang iba ang hanap nila. I mean, siyempre ang hanap ko, eh, ‘yung seryoso na. May anak na ako so, parang tigilan na nila ako. Nakakainis lang ‘yung iba riyan na poporma sa iyo pero may ‘tinatagong karelasyon pala,” seryosong lahad ni Ara.

May mga lalake raw na kunwari seryoso pero parang ginagawa lang siyang isang tanga.

“Hello, hindi na ako isang high school student or nasa elementary pa lang na kayang-kaya nilang utuin,” sey pa ni Ara.

Pag-amin pa niya, wala siyang appeal sa mga foreigner. At wala rin naman siyang balak na makipag-date sa mga hindi Pinoy.

“Hindi ganu’n kalakas ang appeal ko sa mga foreigner. Wala akong dating sa kanila, kasi ayaw nila ng mapuputi na, malaman pa. Pero hindi ko rin alam, basta, sa obserbasyo­n ko, eh, wala talaga ni nanliligaw sa akin na tagaibang bansa.”

Samantala, kamakailan ay nagbukas si Ara ng coffee shop. Ito ang pinagbubuh­usan niya ngayon ng panahon kaya medyo nakakalimu­tan na niyang magkaroon ng lovelife, huh!

“Parang wala talaga akong panahon para sa bagay na ‘yan, kasi sa anak ko, mapaghanap na siya. Lagi niya akong hinahanap kasi two years na,” sey pa ni Ara.

Open pa rin naman daw ang komunikasy­on nila ni Mayor Patrick Meneses. In fact, tuluy-tuloy ang monthly support nito sa anak nila.

Kahit walang inspirasyo­n ay tuluy-tuloy naman ang showbiz commitment­s ni Ara. May dalawang pelikula siyang ginagawa ngayon at mayroon pang bagong offers.

“Nakakatuwa lang talaga, kasi, sunud- sunod ang trabaho ko ngayon,” pagmamalak­i niya.

 ?? Ara ??
Ara

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines